DTI, nagbigay ng unang bugso ng pautang sa small firms
- BULGAR

- Jul 5, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 5, 2020

Ibinigay na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang unang bugso ng pautang sa ilalim ng Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES), ang programa para sa micro at small enterprises.
Labinlimang borrowers mula sa National Capital Region at 26 negosyante mula sa Cordillera Administrative Region ang nakatanggap ng CARES program loans.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, may kabuuang Php100 million loans ang inaprubahan ng Small Business (SB) Corp. para sa 1,175 aplikante nito.
Gayundin, mayroong 1,153 applications para sa aggregate loans, na halagang Php97.9 million ay naghihintay ng approval.
Ayon pa kay Lopez, target ng SB Corp., financing arm ng DTI na nagsusulong sa CARES program, na makumpleto ang disbursement ng Php1-billion fund bilang solusyon sa problema ng maraming negosyante bago matapos ang buwan ng Hulyo.
Nakikipagtulungan ang DTI sa Department of Finance, SB Corp. at may ugnayan na rin sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines upang mapunuan ang kinakailangang pondo.





Comments