Drug war ni Digong, niyare ni P-BBM sa U.S., away na ba 'to?
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 7, 2023
PARANG INAMIN NA RIN NI P-BBM NA NAGING ABUSADO SA KAPANGYARIHAN SI EX-P-DUTERTE—Sa kanyang statement sa forum ng Center for Strategic and International Studies na idinaos sa United States (U.S.), sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na nagkaroon daw talaga ng pang-aabuso ang nakaraang administrasyong Duterte, kaya marami ang napatay sa drug war.
Dahil sa Amerika nagbitaw ng ganitong statement si P-BBM, parang ipinagsigawan na rin niya sa mundo na naging abusado sa kapangyarihan si ex-P-Duterte, boom!
◘◘◘
TAMA SI P-BBM, MAS NAGING POWERFUL ANG MGA DRUG SYNDICATE SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE—Ayon pa kay P-BBM, imbes na mawala o mabawasan, lalong lumakas at naging mas makapangyarihan ang mga drug syndicate sa panahon ng bloody drug war ni ex-P-Duterte.
Totoo ang sinabi ni P-BBM dahil noong hindi pa presidente si ex-P-Duterte, kilo-kilong shabu lang pumapasok sa bansa, pero nang maging presidente siya, tone-toneladang shabu na ang pumapasok sa ‘Pinas mula China. Gayundin, walang Chinese drug lords na napatay, sa halip, ang mga nabalitang pinapatay sa kasagsagan ng bloody drug war ay ‘yung mga maralitang adik at utusang tulak ng shabu, tsk!
◘◘◘
BIGO SI EX-P-DUTERTE AT MGA PRO-DUTERTE CONGRESSMEN NA PABAGSAKIN ANG ABS-CBN—Sa ikatlong taon ng pag-reject ng Duterte administration at pro-Duterte congressmen sa prangkisa ng ABS-CBN, inanunsyo ng ABS-CBN Corporation na dahil sa dami ng mga advertisements na pumapasok sa Kapamilya network matapos silang mag-blocktime sa TV5, A2Z channel, makipag-partner sa GMA 7, at palawakin ang kanilang cable channels at digital network sa social media, nakabawi na sila sa pagkalugi, at ngayon ay kumikita na ulit ang kumpanya ng pamilya Lopez.
Patunay ‘yan na nabigo si ex-P-Duterte at mga kaalyado niyang kongresista na pabagsakin ang ABS-CBN, period!
◘◘◘
EX-P-DUTERTE, SAPOL SA PATUTSADA NI KABAYAN NOLI DE CASTRO—Sa Instagram page ni ABS-CBN broadcast-journalist, former Philippines Vice Pres. Noli de Castro noong Mayo 5, 2023, ipinost niyang muli ang pagpapa-shutdown ng Duterte administration sa Kapamilya network noong Mayo 5, 2020, at saka niya ito nilagyan ng katagang, “Nandito pa rin kami.”
Walang duda na ang post na ito ni Kabayan Noli de Castro ay bilang patutsada kay ex-P-Duterte na siyang ‘utak’ sa pag-reject sa prangkisa ng ABS-CBN, boom!





Comments