top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Drug lords, tulak at protektor, sampulan!

BULGAR
Aug 13, 2022
1 min read

@Editorial | August 13, 2022


Habang abala ang marami sa pagharap sa pandemya, kalamidad at krisis, tila ganundin ang mga nasa ilegal na droga.


Kapansin-pansin na talamak na naman ang illegal drugs. Araw-araw ay may nahuhuling tulak at may mga drug den na nabubuking.


Kaugnay nito, tiniyak naman ng administrasyong Marcos na tuloy ang kampanya kontra ilegal na droga kasabay ang pagtiyak na naaayon ito sa batas.


Matatandaang naging madugo ang operasyon ng ilegal na droga noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Base sa talaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa mahigit 6,000 drug suspects ang napatay sa operasyon.


Kaabang-abang ang magiging version ng war on drugs ni Pangulong Bongbong Marcos. Paano kaya lalabanan ang mga drug lords, tulak at mga protektor?


Batid naman natin kung ano ang naidudulot ng droga sa tao at sa mismong bayan. Karumal-dumal na krimen ang nangyayari.


Kaya umaasa tayo na sa bagong administrasyon ay tuluyan nang matatapos ang salot na bisyo. Kailangan nang sampulan ang mga drug lords at hubaran na ng maskara ang mga protektor na nasa gobyerno.


Panawagan sa lahat, makiisa tayo sa pagsugpo sa ilegal na droga. Alalahanin natin ang kinabukasan ng ating mga anak na huwag silang matukso o mabiktima nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page