Droga, talamak pa rin kahit pandemya
@Editorial | January 21, 2022
Umaabot sa P5.36 bilyong halaga ng ilegal na droga ang winasak sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang pagsira sa mga nasabing illegal drugs ay hindi na kailangan bilang ebidensiya sa korte at compliance rin ito sa guidelines na itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Dangerous Drugs Board Resolution No. 1, Series of 2002.
Kaugnay nito, dahil umano sa nararanasang pandemya ay hirap ang mga korte na magbigay ng approval para sa mga nakaimbak na drug evidence.
Grabe ang dami ng droga na nagiging banta sa buhay ng lahat.
Sa gitna ng pandemya, talamak pa rin ang ilegal na droga at namamayagpag talaga ang mga ilegal na gawain.
Hindi natinag ang mga drug lord at tila ginagamit pa ang sitwasyon para magkalat ng lagim.
Batid siguro nila na nadaragdagan ang mga kumakapit sa patalim.
Ito sana ang isa sa higit na mapagtuunan ng pansin ng gobyerno. May iba na sadyang hindi na kinakaya ang gutom, at sa ilegal na droga na tumatakbo.
Kung may sapat namang pondo, sabayan na ang pandemya sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga programa at proyekto. Higit sa lahat, ang pagbubukas ng mga pagkakataon para sa trabaho.
Huwag sana tayong magpadaig sa tukso. Palaging may ibang paraan, hindi dapat magpatalo. Ang minsang pagkapit sa ilegal ay maaaring maghatid sa katapusan.



Comments