top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Driver, operator at pasahero, 'wag pasaway, plis lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
1 min read

@Editorial | March 6, 2022



Nakababahala ang bantang muling pagkalat ng COVID-19 dahil sa sitwasyon sa transportasyon ngayon.


Ayon sa Department of Health (DOH), ang posibleng paglagpas sa ipinatutupad na ‘full capacity’ ngayong Alert Level 1 sa mga pampublikong sasakyan ay maaaring maging dahilan ng muling pagkalat ng virus.


Mukha umanong bumalik sa pre-pandemic ang senaryo, kung saan beyond 100 percent capacity ang nakikita sa mga pampublikong sasakyan.


Kaya nananawagan ang DOH sa mga operators at tsuper ng mga ‘public utility vehicles (PUVs)’ na huwag lalagpas sa 100% na kapasidad habang nanawagan din sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ito.


Una nang ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus ope­rators na mahigpit na ipinagbabawal ang tayuan ng mga pasahero at sabit sa mga jeep kahit maluwag na ang alert level sa Metro Manila.


Pakiusap din sa mga pasahero na huwag nang makipagsiksikan kung hindi na talaga kasya.


Ang problema naman ng mga commuters, kulang ng masasakyan kaya napipilitang tumayo o sumabit makapasok o makauwi lang.


Kaya dapat ding tiyakin na may sapat na bilang ng mga pumapasada. Bagay na isa pa sa mga problema ngayong non-stop ang oil price hike.


Kamot-ulo na ang mga drayber. Paano pa sila bibiyahe kung halos sa petrolyo na lang napupunta ang kita.


May iba na napipilitan nang tumigil sa pamamasada at naghanap na lang ng ibang mapagkakakitaan.

Kaya dapat nang kumilos ang gobyerno bago pa mas lumawak ang epekto ng taas-presyo sa gas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page