Drama serye sa pulitika, tigilan na
- BULGAR

- Feb 9
- 1 min read
by Info @Editorial | February 9, 2026

Tama na ang pulitika. Habang nag-aaway at nagpapataasan ng ihi ang mga mambabatas, naghihirap ang taumbayan. Mataas ang presyo ng pagkain, kulang ang trabaho, at hirap ang mahihirap na maghanap ng tulong sa gobyerno. Pero sa Kongreso, tila mas inuuna ang drama kaysa solusyon.
Hindi kayo binoto para magbangayan. Binoto kayo para gumawa ng batas na tutulong sa mahihirap. Hindi para ipagtanggol ang sarili, ang partido, o ang ambisyon n’yo.
Kung may oras kayo sa hearing at presscon, dapat may oras din kayo para sa batas sa sahod, presyo ng bilihin, libreng serbisyong pangkalusugan, at proteksiyon sa manggagawa.
Sawang-sawa na ang tao sa pangakong paulit-ulit pero walang resulta. Hindi kailangan ng mahahabang speech—kailangan ng konkretong aksyon. Kung hindi n'yo kayang isantabi ang pulitika para sa kapakanan ng mamamayan, malinaw lang: mali ang inuupuan n’yong puwesto.


Comments