Search
  • BULGAR

DOTr, pumalag sa alegasyong “anti-poor” at “anti-jeepney drivers”

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2020




Umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa alegasyong ang kanilang mga polisiya ay “anti-poor” at “anti-jeepney drivers.” Anila ay ang makabubuti lamang para sa nakararami ang kanilang isinasaalang-alang.


Pahayag ni Assistant Secretary Goddes Hope Libiran sa kanyang Facebook post, “Ang ipinaglalaban natin dito, kung ano ang tama para sa nakararami. Sinasabi nila, anti-poor kami, wala kaming puso, wala kaming awa. For the record, ginagawa lang namin ang tama.


“Ang sinasabi nilang solusyon sa problema ay ang pagbabalik ng mga luma at karag-karag na jeepney sa kalsada. Hindi mo maitatama ng isang mali ang isa pang mali.


“Ang pag-operate ng luma at karag-karag na jeepneys ay nakamamatay. Bakit? Una, dahil sa makapal na usok naibinubuga nila. Scientific studies show that air pollution kills. According to the Department of Environment and Natural Resources (DENR), more than 80% of air pollution in Metro Manila comes from unabated emissions of motor vehicles in the metropolis.”


Sinabi rin ni Libiran na kailangang mapalakas ang immune system ng mga tao sa panahon ngayon ng pandemiya.


Saad pa ni Libiran, “Anti-poor ba kung ginugusto ng pamahalaan na ang mga driver, maging swelduhan, at may fixed na oras lamang ng pagmamaneho upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at mabigyan sila ng mas mahabang oras para sa kanilang pamilya? Gusto natin, may benepisyo sila gaya ng SSS at PhilHealth.


“‘Wag nilang i-spin ang kuwento. ‘Wag sanang hayaan ng publiko na maimpluwensiyahan ng leftist groups ang programa.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.