DOJ sa Ombudsman: Jinggoy, kasuhan ng plunder
- BULGAR

- 52 minutes ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 19, 2026

Photo: Jinggoy Estrada - Senate of the Philippines
Pinakakasuhan na ng plunder si Senador Jinggoy Estrada at iba pang dating DPWH officials kaugnay sa flood control anomalies matapos mai-transmit ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman.
Bukod sa kasong plunder o pandarambong sa bilyun-bilyong pisong halagang pondo, kasama rin sa mga kasong inirekomenda ang graft, direct bribery, pagtanggap ng regalo ng mga pampublikong opisyal, at corruption of public officials laban kina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, Bong Dinglasan, Engr. Denryl Caesar Cortuna, Assistant Engineer Manny Bulosan, at Engr. Arturo Gonzales Jr.
Samantala, inalis naman sa kaso si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
Hindi rin isinama sa pinal na criminal information na ihahain sa korte sina DPWH officials Roberto Bernardo, Henry Alcantara, at Gerard Opulencia kapalit ng kanilang mga testimonya.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, magsasagawa ang Office of the Ombudsman ng sarili nitong independent review at pagresolba sa merito ng kaso.





Comments