Do’s and don’ts para mapanatiling ligtas sa pagsabog ang lugar
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 7, 2020

KUNG ang iyong work area ay may mga nakaimbak na explosive devices, reactive chemicals o pressure vessels, ang peligrong pagsabog nito ay baka mangyari. Maaaring makaiwas sa anumang sakuna kung ganap na maiintindihan kung anong materyal ang pagmumulan ng pagsabog.
ANO ANG SANHI NG PAGSABOG? Ang pagsabog ay mula sa mabilisang paglobo ng gases. Marami sa explosions ang nangyayari kapag nababad sa init ang gases, tulad ng apoy, sparks o maging ang static electricity o ang pagtaas ng pressure. Maaari ring dahilan ng pagsabog ang chemical reactions. Halimbawa, kapag ang dalawa o higit pang hindi compatible na kemikal ay naghalo, sasabog ito. Ang ilang kemikal ay sumasabog kapag nahanginan o nabasa.
ALAMIN ANG MGA MATERYAL NA NAKAIMBAK. Pag-aralang mabuti ang mga materyal na ginagamit sa work area. Alamin din kung ano ang peligrosong sumasabog at sa anong dahilan puwedeng mangyari ito. Basahing mabuti ang labels ng flammable liquids at mga identified na explosive materials. Kung hindi ka tiyak kung anong substansiya ang puwedeng sumabog, ipagpalagay mo na lang na delikado pa rin ang mga iyan. Isaisip na posible pa ring sumabog ang mga bagay na iyan.
Tandaang mabuti ang mga binasang safety data sheets. Ito ang magsasaad kung ang substansiya ay peligrosong sumabog at kung ano ang gagawin kung may hindi inaasahang mangyayari. Ang mga nakalagay na keywords na FLASH POINT at FLAMMABILITY LIMITS, ang nagsasaad kung hanggang saan ang antas ng peligro mayroon ang kemikal. Maging alerto kaagad kapag nagbago ang temperatura sa lugar o pressure na posibleng makapagpabago sa panganib ng pagsabog.
PAANO MABABAWASAN ANG PELIGRO NG PAGSABOG.
Ilayo sa mainit na lugar ang eksplosibong kemikal.
Gumamit lamang ng aprubadong storage at transfer containers.
Tiyakin na ang containers ay grounded at bonded bago ilipat ang flammable liquids.
Ireport agad ang mga equipment malfunctions.
Siguraduhin na lahat ng ventilation equipment ay gumaganang maige. Imonitor ang hangin kung gagamit ng explosive materials sa isang kulong na lugar.
Linisin kaagad ang mga tagas at itapon nang maayos ang mga malangis na basahan araw-araw.
Sikaping laging malinis ang work area. Ang pagkapal ng alikabok ay puwede ring pagsimulan ng pagsabog.
Maging alerto sa anumang tagas at iba pang danger signals.
Sumunod sa “No Smoking” signs.
Dapat ay maging malinis ang mga daanang lugar upang mas mabilis na makakilos papunta sa emergency equipment area.
Alamin kung saan nakalagak ang mga fire-fighting equipment at kung paano gagamitin.
KUNG MAYROON NANG PAGSABOG:
Sundin na agad ang emergency plan.
Iulat agad ang pagsabog. Mabilis na lumayo sa naturang lugar, isara ang pinto at bintana pagkalabas.
Sabihan ang lahat sa lugar at lumayo sa sumasabog na lugar. Kung kailangang labanan ang sunog o apoy, magsuot ng respirator at protective clothing.
Ang nangyari sa Beirut, Lebanon ay isang nakatutulig na pagsabog ng 2,750 na toneladang ammonium nitrate na nakaimbak sa isang bodega na walang sapat na safety measures mula pa noong 2014.
Ayon sa security sources, isang welder ang nakatalsik ng gatiting na init at nag-apoy na siyang pinagsimulan ng pagsabog ng kemikal – at nasundan pa ng nakahihilakbot na pagsabog ng limang beses na mas malakas sa Hiroshima bombing.
Ang ammonium nitrate ay pangunahing ginagamit bilang sangkap ng mga pataba o fertilizer pero hinihinalang ginagamit sa mga sandata ng terorista mula sa mga homemade bombs. Sa sobrang dami ng explosive materials kaysa sa military-grade explosives ay mas naging peligroso ang pagsabog.
Sinabi rin ng security services na ang gatiting na apoy ang unang pinagmulan ng sunog sa isang imbakan ng ‘highly volatile materials’ na dala ng isang barko, ilang buwan ang nakaraan at doon nga inilagak ito malapit sa daungan.
Nagkasunog muna sa lugar o nagkaroon ng pagsabog sa naturang daungan at saka nasundan ng malawak na pagsabog na nagpadagundong sa halos 1 kilometro ang radius ng mga naapektuhan.
Higit sa 100 ang namatay, 4,000 ang mga sugatan at 300,000 ang tinatayang nasira ang mga tahanan na karamihan ay nasa mga gusali.
Umabot pa at narinig ang pagyanig sa may 125 milyang layo sa dagat ng Cyprus. Ito na rin daw ang pinakahihindik na pagsabog na naganap sa Lebanon kumpara sa mga bala at kanyon lang na naririnig ng mga sibilyan noong sapitin nila ang 15 taon na civil war.








Comments