top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Diskarte ng Maynilad, mas oks kaysa sa Meralco

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 14, 2020



Bandang Mayo 2021 bago magagamit ng mga Pinoy ang Sputnik V vaccine ng Russia.


Daraan pa ito sa masusing proseso!


◘◘◘


Nakauna na ng promosyon ang Russia kaugnay sa Anti-COVID-19 vaccine.


May anim na iba pang bakuna na makasasabay nito sa trial period hanggang Abril 2021!


◘◘◘


Malinaw na malabo na ang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 hanggang Disyembre.


Ibig sabihin, ang mga tauhan sa “Belen” ay naka-face shields pang lahat!


◘◘◘


Mayorya ng mga desisyon ng Korte Suprema ay pumapabor kay P-Digong.


As expected!


◘◘◘


Tinambakan ng petisyon ang Korte Suprema laban sa Anti-Terror Act.


Paboran kaya ulit ang Malacanang?


◘◘◘


Sinaksak, binaril at napatay ang nagtatagong lider ng Anakpawis.


Inaakusahan ang pulis at military na siyang may kagagawan.


Magsumbong din kaya sila sa Kataaas-taasang Hukuman?


◘◘◘


Ginamit na ng Meralco ang magdyowang artista para ipaliwanag ang kanilang electric bill.


Iisa lang ang nauunawaan ko: Sa katapusan ng Setyembre pa sila magpuputol!


◘◘◘


Mas maluwag ang diskarte ng Maynilad sa sistema ng pagbabayad sa pending na bill.


Puwede raw ang “patak-patak” kahit gaano ang kaya ng mga konsumer!


◘◘◘


Sa Meralco ay hinati ng apat at idinikta ang halaga ng babayaran, pero sa Maynilad ay walang minimum na halaga ang dapat bayaran kada installment.


Kumbaga, kung ano ang kaya ng bulsa, ‘yun ay puwede nang ibayad sa kahit saang bayad center!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page