top of page
Search
  • BULGAR

Disaster response training sa mga kabataan

@Editorial | May 15, 2022


Kasabay ng isyu sa balik-Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), inirekomenda ng Commission on Higher Education (CHED) na isama ang disaster response training.


Bukod sa military training, mahalaga din umanong masanay ang mga estudyante o volunteers kung paano umalalaya sa gobyerno tuwing may sakuna.


Kapansin-pansin na tuwing magkakaroon ng sakuna, umaasa ang ating bansa sa armed forces na nakakapilay naman sa resources ng gobyerno.


Samantala, aminado naman ang Defense Department na isang malaking hamon na gawing mandatory ang ROTC sa bansa. Nauna nang ipinanukala ni Presumptive VP Sara Duterte-Carpio noong election campaign ang mandatory military service para sa lahat ng Pilipino, edad 18 pataas. Sa ngayon, hihintayin pa ang magiging aksyon ng Kongreso sa usaping ito.


Bagama’t sang-ayon naman tayo sa panukala ng CHED na dapat ding maturuan ang mga kabataan sa pagharap sa sakuna o kalamidad. ‘Yung aktuwal nilang magagawa o mapaghahandaan ang sitwasyon bago, habang at matapos ang anumang sakuna.


Hindi maitatanggi na talagang babad sa gadgets ang mga bagets ngayon, kulang sa exercise at sa aktuwal na pagkilos. Hindi natin alam kung kakayanin ba nilang maka-survive sa anumang ‘di inaasahang pangyayari. Kaya tama lang na ngayon pa lang ay pag-aralan na kung paano sila matuturuang maging handa, matalino, malakas at madiskarte.


Tandaan natin, ang mga kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan, sila ang mga bagong henerasyon at sila ang magsisilbi ring lakas ng bayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page