top of page
Search
  • BULGAR

Dinaya sa contest at umulan

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 1, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mario ng Marinduque.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga gustong magpaanalisa sa inyo ng panaginip.


Napanaginipan ko na kasali ako sa contest ng takbuhan sa school namin. Nadaya ako, kaya galit na galit ako dahil kaibigan ko ‘yung judge, pero nagawa niyang dayain ang score. Maya-maya ay biglang umulan, kaya tinapos na agad ang programa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mario



Sa iyo, Mario,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kasali ka sa contest ng takbuhan ay tagumpay sa negosyo. Magtatagumpay ka sa bago mong negosyo.


Ang nagalit ka sa judge na kaibigan mo dahil nadaya ka sa score ay kabaligtaran ang ibig sabihin. Ang kaibigan mong ‘yan ang pinaka-loyal sa iyo sa totoong buhay, tapat siya at maaasahan sa lahat ng oras.


Samantala, ang sabi mo ay biglang umulan kaya tinapos agad ang programa. Kung malakas ang ulan, ang ibig sabihin nito ay gulo at mga hindi magandang pangyayari. Kung mahina at banayad ang ulan, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at kaligayahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page