top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Diamond, babala ng gulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 16, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Zambales.


Dear Maestra,


Matagal ko nang gustong magpaanalisa sa inyo ng mga panaginip ko, kaya lang, masyado akong naging busy noong mga nakaraang araw. Buti na lang, medyo gumaan-gaan na ang trabaho ko ngayon.


Madalas akong managinip ng diamond. Napanaginipan ko last Sunday na may natagpuan akong mga batong hiyas na parang diamond sa likod-bahay namin na katabi ng puno ng mangga. Kagabi naman, napanaginipan ko na binigyan ako ng diamond ring ng dyowa ko.


Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,


Loida


Sa iyo, Loida,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na may natagpuan kang diamond sa likod-bahay n’yo dahil ito ay nagbababala na may paparating na gulo sa buhay mo kaya dapat kang mag-ingat.


Tungkol naman sa dyowa mo na ang sabi mo ay binigyan ka ng diamond ring, ito ay nangangahulugan na may taong nag-iisip ng hindi maganda laban sa iyo, pero hindi siya magtatagumpay dahil kahit ano’ng gawin niya, suswertehin ka sa dyowa mo. Gayundin, may paparating na mga suwerte at pagpapala sa buhay mo.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


1 Comment


Arlyn Muyco
Arlyn Muyco
May 11, 2025

Inutusan Ako na pumatay Ng babae. Pero di ko magawa. Humanap Ako Ng paraan upang makaiwas pero Ako pa Ang itinurong salarin at thmatakas Ako sa mga pulis Ng lumalakad Ako nakakita Ako Ng batong napaka kislap at hinawakan ko mayroon ding mga kasamang Krystal stone at puting stone at iban pa ano Ang ibig sabihin Ng aking panaginip

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page