‘Di problemado sa iskul pero stressed dahil wala pang dyowa
- BULGAR
- Sep 16, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 16, 2021

KATANUNGAN
Kay sarap siguro nang may boyfriend, lalo na’t malapit na ang Pasko. Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend, Maestro, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang aking kapalaran, lalo na sa love life.
Wala naman akong gaanong problema ngayon, lalo na sa school kahit sa bahay lang dahil sa pandemya kasi matataas naman ang mga grades ko. Sa kasalukuyan, third year nursing student ako at hindi naman sa pagmamayabang, parang kayang-kaya ko naman ang course ko kasi high school pa lang, pangarap ko nang maging nurse. Ang problema ko lang talaga ngayon ay wala akong boyfriend habang ang ibang mga kaibigan ko ay may mga boyfriend na.
Sana ay mabasa ninyo sa guhit ng aking mga palad kung kailan ako magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend ako, masaya ba at wala ring magiging problema? Isa pa, gusto ko ring malaman kung sino ang magiging first boyfriend ko at kung kailan siya darating sa buhay ko.
KASAGUTAN
Huwag kang masyadong mainip at mag-apura dahil ang pagkakaroon ng special someone ay itinatakda sa bawat buhay ng tao, lalo na sa isang nagdadalaga na tulad mo.
Ayon sa guhit na sumangang paitaas (arrow a.) mula sa maganda at maayos na Heart Line (Drawing A at B h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ikaw ay magkaka-boyfriend sa malapit na hinaharap. At dahil “paitaas na sanga” (arrow a.), ito ay patunay na ang nasabing pakikipagnobyo, tulad ng kasalukuyan mong pag-aaral ay wala naman gaanong magiging problema. Bagkus, may pangako pa ng isang masaya at romantikong relasyon.
Ang pagiging matambok ng Bundok ng Mercury (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabi namang kung hindi isang Virgo ang magiging first boyfriend mo —maaaring siya ay isinilang sa petsang 5, 14 o 23, maaari ring siya ay isang “Mercurian type of personality” kung saan, cute na medyo maliit o hindi katangkaran ang height, mabilis magsulat, mabilis lumakad at may maliit na sulat kamay, kung saan, madalas magsuot ng kulay puti o blue.
Kapag nagkaroon ka ng ganyang manliligaw o malapit na kaibigan, sa taon ding ito hanggang 2022, ‘yun ang palatandaang ang nasabing lalaki ang una mong magiging karelasyon at dahil ikaw din ay may pagka-Mercurian type of personality, tunay ngang magiging masaya at maligaya ang relasyon o pag-iibigan na inyong pagsasaluhan.
MGA DAPAT GAWIN
Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Aira, kundi isa-isahin ang mga lalaking nali-link sa iyo o mga lalaking crush mo at ang mga lalaking may lihim na pagtingin sa iyo. Dahil siguradong sa mga oras na ito, kilala at nakikita mo na rin siya, hindi pa lang nade-develop ang inyong relasyon dahil ang totoo nito, medyo kinakabahan pa ang nasabing lalaki na ipabatid nang personal ang pagka-crush o pagkagusto niya sa iyo.
Subalit dahil ang buwan ng Oktubre hanggang next year, sa buwan ng Pebrero ay magiging significant at mahalagang panahon sa iyong buhay, sa nasabing buwan at sa edad mong 20 pataas, tiyak ang magaganap. Kung hindi man umabot sa Pasko, abot na abot sa Valentine’s Day 2022, magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas at habambuhay na magiging maligaya.




Comments