Search
  • BULGAR

'Di pa raw kasi nakuntento, pera at kasikatan ang habol…

SIGAW NG NETIZENS: OGIE AT REGINE, BUHAY-HARI AT REYNA SA SIYETE, NAWALAN NG WORK SA DOS

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 9, 2020




Mukhang sinisisi pa ng mga netizens si Ogie Alcasid sa ginawang pagpapalipat sa ABS-CBN sa asawang si Regine Velasquez.


Isa si Ogie sa mga umaapela sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network na huhusgahan na ng Kongreso kundi ngayong linggo ay sa susunod na mga araw.


Ayon sa banat ng mga netizens kay Ogie, "Admit it, kayong mag-asawa made a wrong move. Both of you have a good career sa GMA, nabibigyan kayo ng shows, pati teleserye. But you chose fame and money over contentment. Sayang lang talaga, mas nag-mark sa tao 'yung mga ginagawa n'yo sa GMA kesa sa ABS, sa totoo lang."


"Maganda sana kung magkahiwalay na lang kayong network ng asawa mo para may ABS at GMA. Oh, ayan, pa'no na 'yan... 'Di naman aping-api ang asawa mo sa kabila, buhay-reyna sa talent fee at sa pagka-pampered sa bosses. Oh, well."


"'Yan ang mahirap kapag iisa ang kumpanya n'yong mag-asawa. Kung HINDI umalis si Regine sa kabila, eh, di ikaw lang sana ang walang work."


"Pahinga na kasi kayo, yaman-yaman na, ano ba 'yan?!"


"Hay naku, Ogie, sabayan mo na lang ang misis mo sa pagkanta ng 'Kung maibabalik ko lang.'"

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.