top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

‘Di nasugatan o bumagsak, pahiwatig na susuwertehin at yayaman sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 11, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakasandal kami ng dyowa ko sa malaking pader, iniwan ko siya, at naglakad ako papalayo.


Matapos nu’n ay umakyat ako sa pader, at nakababa ako ng maayos na ‘di man lang bumagsak o nasugatan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Roy


Sa iyo, Roy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasandal kayo ng dyowa mo sa isang malaking pader, ay maraming hahadlang sa relasyon n’yo. Kailangang mapagtagumpayan n’yo ang mga hadlang na ‘yan upang maging maligaya ang inyong pagsasama.


Ang iniwan mo ang dyowa mo, naglakad ka papalayo, at umakyat ka sa pader, ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng malaking oportunidad na makakatulong sa iyo.


Samantala, ang nakababa ka ng maayos sa pader, at hindi ka bumagsak o nasugatan man lang, ay nangangahulugang susuwertehin ka sa mga bagong oportunidad na darating sa buhay mo, at magsisimula ka ng yumaman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page