top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di na raw mahabol 'pag tumatakbo… PAOLO, AMINADONG NAG-DIET PARA SA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 8, 2020



Sa loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ng Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis.

Ayon kay Paolo, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.

Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24-Oras, “It's not really the weight I lose but the life I gain. It's true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, eh. Hindi puwedeng ganu'n. Kailangang nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na papasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba't ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng mga netizens.

“Para akong may matandang kausap, grabe, nakakatuwa,” say ng aktor. “Diretso na 'yung conversation pero siyempre, baby pa ring magsalita. Tapos, may mga acting siya na 'Ouch! Ouch!'”

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya anuman ang gustong gawin ni Summer in the future.

“Cliché man pero kung saan siya masaya, pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag isinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page