‘Di na kailangan magpa-salon!... dapat gawin para hindi ma-damage ang buhok kahit i-bleach
- BULGAR

- Aug 18, 2020
- 2 min read
ni Hiraya - @No Problem | August 18, 2020

Habang tumatagal tayong nasa bahay, nakakatukso talagang bigyan ng transformation ang ating mga buhok. Agree? Kung nauso sa kalalakihan ang pagpapakalbo bilang “quarantine hairstyle”, patok naman sa kababaihan ang pagkukulay ng buhok sa bahay o do-it-yourself (DIY) hair transformation.
Kaya para sa mga beshies natin d’yan na ready nang pagandahin pa ang kanilang crowning glory, narito ang ilang hair care tips para sa inyo:
1. GUMAMIT NG COCONUT OIL. Ito ang nakalilimutan ng ilang nag-DIY hair transformation. Mga besh, mahalaga na ihanda ang buhok bago kulayan, lalo na kung ibi-bleach. Ito ay nagsisilbing protective barrier sa hair shafts, at nagpoprotekta sa moisture nang hindi nasisira ang bleaching process. Para gamitin, magpahid ng coconut oil mula sa roots hanggang malagyan ang lahat ng buhok. Ibabad ito overnight bago isabak sa bleaching.
2. TAMANG PROTEKSIYON. Kung ihahanda ang buhok, siyempre, dapat handa rin ang iba pang gagamitin natin tulad ng ating mga kamay at balat. Gumamit ng disposable gloves para hindi ma-damage ng kemikal ang inyong mga kamay at i-dispose ito agad pagkatapos gamitin. Kung magbi-bleach, pahiran ng petroleum jelly ang mga parte ng katawan na posibleng madikitan tulad ng batok, noo o hairline at labas ng mga tainga. Kung hindi maiiwasang malagyan ng hair products, hugasan o linisan agad ang parte ng katawan.
3. BANTAYANG MABUTI. Hindi porke nakapaglagay ka na ng pangkulay at iba pang hair products ay hihintayin mo na lang matapos ang pagbabad nito. Mahalagang bantayan ang buhok habang hinihintay matapos ang proseso para makatiyak na hindi ito nada-damage habang nasa proseso.
4. VITAMINS. Pagkatapos ng lahat ng proseso, tiyaking mabibigyan ng tamang bitamina ang iyong buhok. Gayundin, upang maiwasan ang mga damage na nakasisira sa ating bagong hairstyle.
5. AFTER CARE. Matapos kulayan o i-bleach, make sure na makatatanggap ng tamang after care treatment ang iyong buhok. Regular umamit ng keratin treatment—siguraduhing naibabad ito nang at least 30 mins bago banlawan. Iwasan muna ang mga produktong mas malakas maka-dry ng buhok tulad ng shampoo. Maaaring i-alternate ang paggamit nito.
Easy lang, ‘di ba? Kaya kung nagbabalak kang mag-transform, make sure na gagamitin mo ang ilang tips na ito para maging mas matibay at maganda ang iyong buhok kahit hindi propesyonal ang gumawa nito. Okie?




Comments