top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Di masaya sa bf, dapat nang makipagbreak dahil iba ang ka-compatible

BULGAR
Apr 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 12, 2022


Dear Maestro,


May boyfriend ako, pero hindi ako masyadong masaya sa kanya dahil parang tama ka, Maestro, hindi siguro magka-compatible ang Virgo at Aquarius. September 12, 1997 ang birthday ko, habang February 4, 1996 ang birthday niya.


Ano ang dapat kong gawin, magtiis na lang ako kahit hindi ako masaya? Sabi mo kasi, ang umiibig ay talagang nasasaktan o mas mabuting tapusin ko na ito at maghanap ng lalaki na mas mararamdaman kong mahal niya ako at mararamdaman kong masaya ako sa kanya?


Gayundin, sinu-sino ang mga ka-compatible ko talaga na magbibigay sa akin ng panghabambuhay na ligaya?



Umaasa,

Kaylle ng San Vicente, Mauban, Quezon


Dear Kaylle,


Ang sinasabi nating magtiis ka habang ikaw ay nasasaktan sa panahong ikaw ay nakikipagrelasyon ay aplikable lamang sa mga pusong nagmamahal. Pero kung hindi ka naman nagmamahal at umiibig sa isang tao, walang saysay ang pagsasakripisyo at pagtitiis mo dahil ang totoo nito, lalabas na niloloko mo lang ang iyong sarili.


Pero kung nagmamahal ka at umiibig habang nagtitiis at nagsasakripisyo, totoo lang na masaya ka dahil in love ka. Sabi nga ng iba, “madness” o nakakaloka ang pag-ibig, kaya kahit nasasaktan o nagtitiis ka, balewala ‘yun dahil nga umiibig ka.


Ngunit sa tunog ng hinaing o problema mo, lumalabas na parang hindi mo naman mahal ang boyfriend mo kaya ka nagkakaganyan. Kumbaga, hindi ka masaya, kaya marami kang tanong at pagdududa, hindi lang sa kanya kundi pati sa iyong sarili dahil maaaring hindi mo talaga siya mahal.

Sabagay tama ka, hindi nga compatible ang zodiac sign mong Virgo at Aquarius naman siya, habang ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ay hindi rin tugma sa birth date niyang 4.


Tama ang iyong pasya, mas mabuti pang humanap ka ng lalaki na magpapasaya sa iyo na iibigin mo nang tapat at walang pag-aalinlangan.


Ayon sa zodiac sign mong Virgo at sa birth date mong 3, matatagpuan mo ang lalaking magbibigay sa iyo ng ligaya habang kayo ay may relasyon at magkasama sa mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Pisces, Gemini at kapwa mo Virgo, higit lalo silang may mga birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 5, 14, 23, 8, 17 at 26.


Kaya kung hindi ka na masaya sa inyong relasyon dahil hindi mo naman siya talaga mahal, tama ka, ‘wag ka nang mag-aksaya ng panahon, sa halip ay makipagbreak ka na ngayon.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda mo namang matagpuan ang lalaking may zodiac sign na Taurus sa taong 2024, sa buwan ng Mayo at sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page