‘Di mapagilang manguha ng mga bagay na ‘di kanya, gusto nang magbago
- BULGAR
- Mar 13, 2023
- 1 min read
ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | March 13, 2023
Dear Sister Isabel,
Gusto kong humingi ng payo dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na mangupit o kumuha ng maliliit na bagay sa gamit ng mga kapatid ko, gayundin sa aking mga kaklase.
Hindi naman ako likas na magnanakaw, may mga time lang na kumakati ang kamay ko at nangunguha ako ng mga gamit ng kapwa ko nang hindi nila nalalaman. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko at buti na lang, hindi nila ako nahuhuli.
Sister, nahihirapan na ako sa behavior ko bagama’t paminsan-minsan lang naman ito.
Ano ang mabuti kong magagawa para matigil na ang nakasanayan kong hindi magandang ugali?
Gusto ko nang magbagong buhay at huwag nang manguha ng mga bagay-bagay. Ayaw kong lumala ang nangyayaring ito sa akin at tuluyan na akong maging magnanakaw.
Sana ay mabigyan n’yo ako ng payo.
Nagpapasalamat,
Bella ng Cavite
Sa iyo, Bella,
Ang tawag d’yan ay Kleptomania, kung saan hindi mapigilan ng isang tao ang kanyang sarili na manguha ng mga gamit na hindi naman niya pag-aari, at ‘yan ay isang kondisyon.
Dapat kang kumonsulta sa mga dalubhasa dahil sila ang makakapagbigay sa iyo ng tamang solusyon o mga hakbang para matigil na ang iyong pagnanakaw.
Ipinapayo ko na huwag mo nang patagalin pa, kumonsulta ka agad sa pinakamahusay na eksperto sa lugar n’yo bago pa lumala ang sakit mo at maaari pang mauwi sa malalang sitwasyon.
Lakip nito ang dalangin ko na magamot agad ang iyong kondisyon sa lalong madaling panahon.
Sumaiyo nawa ang pagpapala ng Dakilang Lumikha.
Sumasaiyo,
Sister Isabel del Mundo




Comments