top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Di makapili sa 2 foreigner, gustong maka-sure kung kanino giginhawa at sasaya ang buhay

BULGAR
Mar 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 29, 2022


Dear Maestro,


Isa akong single mother pero hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-asawa kahit may foreigner akong boyfriend at may isa pang foreigner na nagkakagusto sa akin. ‘Yung boyfriend ko ay isinilang noong December 10, 1980 at ‘yung isang foreigner na nagkakagusto rin sa akin ay July 16, 1972 ang birthday. Sino sa kanila ang mas ka-compatible ko at makakasama ko habambuhay?


Sa edad ko bang ito, makakapag-asawa pa ba ako? May ligaya at asenso ba sa buhay ko na darating? Mula kasi noong bata ako, pangarap kong makapag-abroad, gayundin ang magkaroon ng sariling bahay at sasakyan. Matutupad ba ang mga pangarap kong ito? December 26, 1988 ang birthday ko.


Umaasa,

Melissa ng San Isidro, Cuenca, Batangas


Dear Melissa,


Bagama’t ka-compatible mo rin si December 10, 1980, dahil magkapitbahay na zodiac sign ang Capricorn at Sagittarius, hindi naman gaanong paborable ang pagsasama ng birth date na 26 at 19, dahil bago kayo umunlad at yumaman, maraming mabibigat na pagsubok muna ang inyong mararanasan. Ito ay dahil kapwa strong number ang birth date mong 26 o 8 (ang 26 ay 2+6=8) at ang birth date niyang 19 o 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1).


Kaya kung sawa ka na sa mga pagsubok ng buhay at manhid na ang katawan mo sa paghihirap at mga kalungkutan, higit mong katugma ang foreigner na may weak number na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) sa zodiac sign na Cancer.


Noon pa kasi nangangailangan ng “water” ang “earth element” na umiiral sa iyong buhay, gawa o dala ng zodiac sign mong Capricorn. Sa sandaling nakasama ng Capricorn, ang water type sign na Cancer, sa puntong ‘yun ay magkakaroon ng maladramatikong pagbabago sa iyong buhay na hahantong sa pag-unlad at pagkamit ng magandang kapalaran.


Kaya kung papipiliin ka sa dalawang lalaki ngayon sa buhay mo, mas mainam na piliin mo si July 16, 1972 upang sa kalagitnaang yugto ng iyong buhay, matupad naman ang iyong pangarap— ang yumaman, umunlad ang buhay at makatikim ng ganap na kaginhawahan.


Nakatakda namang maganap ang mga katuparan ng iyong pangarap sa buhay tulad ng pag-a-abroad, sariling bahay at sasakayan, at maunlad at stable na ring pamilya sa taong 2024 o sa 2025, sa edad mong 35 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page