top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di makamove-on sa utol na ‘di nagbayad nang tama sa binentang lupa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2023
  • 2 min read

Updated: Mar 8, 2023

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | March 6, 2023



Dear Sister Isabel,


Ang problema ko ay tungkol sa partihan ng lupa namin sa bukid at bakuran namin.


Ang liit-liit ng naging parte ko, supposed to be ay 500 sq m, pero naging 100 sq m na lang at mas malaki pa ang right of way. Ayaw ko ng away, kaya hindi ko na lang ito pinansin, isa pa, hindi naman ako mananalo sa mga kapatid ko at magkakasamaan lang kami ng loob.


At dahil maliit lang ang parte ko, pinagbili ko ito sa kapatid ko sa halagang P50K, pero P20K lang ang binayaran niya dahil may dati raw akong utang sa kanya. Nagulat ako dahil wala naman akong alam na utang sa kanya. ‘Yun pala, utang ang akala ko’y tulong nila sa akin nu’ng panahong ako ay nagigipit at hindi tulong bilang kapatid ko.


Naiyak na lang ako sa sama ng loob. Gayunman, tinanggap ko na rin ang mga pangyayari.


Ang problema ko ay kung paano mawawala ang sama ng loob ko sa aking kapatid dahil kumukulo ang dugo ko tuwing nakikita ko siya. Compound ang bakuran namin, kaya tabi-tabi kami ng bahay.


Nawa’y mapayuhan n’yo ako kung paano malulubag ang aking kalooban sa nadarama kong galit at hinanakit sa kapatid ko.


Nagpapasalamat,

Jessa ng Pampanga


Sa iyo, Jessa,


Pangkaraniwan na lang sa magkakapatid ang ganyan. ‘Yung iba ay nagpapatayan pa dahil lamang sa maliit na kabuhayang naiwan ng kanilang mga magulang. Gayunman, ipinapayo ko na patawarin mo na ang kapatid mo. ‘Ika nga, ang taong mapagpatawad ay pinagpapala.


Makikita mo na kapag napatawad mo ang iyong kapatid, sunud-sunod na pagpapala ang makakamit mo at higit pa sa inaasahan mong kabuhayan ang mapasasaiyo.


Gayundin, gagantimpalaan ka ng Diyos kapag natuto kang patawarin ang kapatid mo na nang-api sa iyo.


Tandaan, forgiveness is the key in all aspects of life. Learn to forgive and soon, you will be blessed and rewarded. Gagaan din ang iyong kalooban kapag natuto kang magpatawad. Ang sarap sa pakiramdam dahil magaan ang kalooban at sasagana pa ang buhay mo.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page