Search
  • BULGAR

'Di lang pagkain… P100, ipinamudmod sa mga nakapila sa community pantry

ni Lolet Abania | April 22, 2021




Isang lalaki ang nakitang nag-aabot ng P100 cash sa mga nakapila sa community pantry sa Makati City ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon kay dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño, kinuhanan niya ng video at nai-post sa kanyang Twitter ang isang lalaki na bigla na lamang nagbigay ng tig-P100 sa mga naghihintay sa pilahan sa kanilang community pantry na Barangay Sta. Cruz Ecoville Community Pantry bandang alas-9:45 ng umaga.


Matatagpuan ang community pantry sa Vito Cruz Extension corner South Avenue at naseserbisyuhan ang mga residente ng komunidad sa Barangay Sta. Cruz, Manila South Cemetery, Barangay Olympia, Barangay La Paz at ilan pang karatig lugar, ayon sa Facebook post ni Casiño.


Sinabi pa ni Casiño, dumating ang lalaki sa lugar sa ikatlong araw ng kanilang pagkakaroon ng community pantry.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.