top of page

‘Di lahat ay oks gawing biro… Mga bagay na ‘di dapat gawing prank

  • BULGAR
  • Sep 25, 2022
  • 2 min read

ni Mharose Almirañez | September 25, 2022



ree

Maiinis ka na lamang talaga kapag isa ka sa mga nabiktima ng salitang “It’s a prank!”


Minsan, akala nila ay for fun lang, pero what if may sakit pala sa puso ‘yung na-prank mo? Eh ‘di, nakadisgrasya ka pa o kaya nama’y what if nag-prank ka na may sunog, pero wala naman? Maybe next time ay hindi ka na nila paniwalaan kung sakaling magka-sunog talaga.


Bukod sa mga nabanggit, anu-ano pa nga ba ang iba’t ibang prank? Narito ang ilan:


1. PHYSICAL PRANK. Halimbawa, naglagay ka ng pampadulas sa sahig para i-prank ang kaibigan mo. What if, mapasama ‘yung pagkadulas niya? What if ma-out of balance siya at mabagok ang ulo niya then mag-lead to comatose? Hindi naman sa pagiging exaggerated, pero isipin mo rin ang kaligtasan ng iba bago mo isagawa ang prank.


2. EMOTIONAL PRANK. Halimbawa, nag-prank ka sa dyowa mo na nakikipag-break ka sa kanya. Nagsabi ka ng kung anu-anong palusot para lamang maisakatuparan ang prank. Naku, beshie, very wrong na gawin mong katatawanan ang damdamin ng isang tao. Panigurado na sobrang sakit nu’n sa part ng dyowa mo, kaya kung ayaw mong mag-overthink siya, huwag mong gawing biro ang feelings niya.


3. HEALTH CONDITION. Halimbawa, ipa-prank mo ang iyong parents na na-diagnose kang may stage 4 cancer o buntis ka. Jusko, beshie, wish mo lang na hindi magkatotoo ang prank na ‘yan dahil it’s a matter of life and death na. Ayaw mo naman sigurong magka-cancer in real life, ‘di ba? Paano kung biglang atakihin sa puso ang nanay mo o kaya paano kung atakihin ng high blood ang tatay mo? Masasabi mo pa bang “It’s a prank,” kung pinaglalamayan na sila? Think twice, besh.


4. POLITICAL CAMPAIGN. Wala naman masamang pumasok sa pulitika, subalit huwag puro mabubulaklak na salita ang sabihin tuwing eleksyon. Nagmumukha kasing joke, eh! Bilang isang pulitiko, isipin mo na hindi lamang isang tao ang posible mong mapaniwala kundi ang milyun-milyong umaasa sa pagbabago. Kung alam mo namang hindi madali na pababain ang presyo ng mga bilihin o kung alam mo namang hindi ganu’n kadaling sugpuin ang mga adik, huwag mo na itong isama sa iyong plataporma.

Palibhasa, usong-uso sa mga vlogger ang pampa-prank para may mai-content, kaya ginagaya na rin ng iba. Hindi naman masama ang maging masayahin, pero huwag mo gawing katatawanan ang ibang tao, kung ayaw mong mauwi sa prank gone wrong.


Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page