top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di dapat magmadali... Stable na trabaho, dyowa at pagpasa sa board exam, sure na sure na sa 202

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 20, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Graduate ako ng kursong Electronics Engineering, pero hindi pa ako licensed dahil hindi pa ako kumukuha ng board exam. Masipag akong mag-apply ng trabaho, kaya lang, hindi ako napepermanente dahil karamihan sa napapasukan ko ay hindi related sa course ko at minsan naman, masyadong mababa ang suweldo. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako makakahanap ng permanenteng trabaho na related sa course ko at may malaking suweldo, kung sakaling kukuha ako ng board exam next year, papasa ba ako?

May isa pa akong concern, Maestro, wala akong GF ngayon. Dati, nagka-girlfriend na ako, pero hindi nagtatagal kaya parang balewala rin at hindi seryoso. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend ng seryoso, masaya at pangmatagalan at ano ang zodiac sign niya? September 9, 1992 ang birthday ko.

Umaasa,

Mike ng San Antonio, Mabitac, Laguna

Dear Mike,

Ayon birth date mong 9 sa destiny number mong 3, (9+9+1992=2010/ 20+10=30/ 3+0=3) at sa zodiac sign mong Virgo, ang hindi ngayong 2020, kundi sa 2021 hanggang 2022 ka susuwertehin kung sakaling kukuha ka ng board exam.

Napansin na ang taong 2021 ay may sumatutal na 5 dahil ang 2021 ay kinokompyut ng 20+21=41/ 4+1= 5 kung saan ang five (5) ay siya ring favorable number para sa mga indibidwal na tulad mo na may zodiac sign na Virgo. Samantala, ang taong 2022 ay may sumatotal namang 6 (ang 2022 ay 20+22=42/ 4+2=6) na sadyang tugma ay favorable sa birth date mong 9 at destiny number mong 3. Ibig sabihin, tunay na tunay nga na sa panahong tinuran (2021 at 2022), magsisimula nang dumating sa buhay mo ang hitik at iba’t ibang suwerte hindi lang sa career kundi sa love life at iba pang mahahalagang aspeto ng iyong buhay.

Kaya ngayon, wala kang dapat gawin kundi mag-relaks-relaks muna at maghintay ng 2021 at 2022, kumbaga, bumubuwelo pa ang kapalaran sa ipagkakaloob sa iyong bultu-bulto at malalaking suwerte sa 2021 hanggang 2022.

Dahil dito, tulad ng nabanggit na, sa 2021 o 2022 ka dapat kumuha ng board exam at paniguradong ikaw ay makakapasa. Sa pagkuha ng exam, tiyakin mo na magsuot ka ng mapalad mong kulay na pula, asul o violet. Puwede rin ang silver, gray at iba pang kulay o mismong metal na hango sa pilak at mala-kulay abo o stainless na bagay.

Basta ang mahalaga, sa paggamit ng masuwerteng kulay, dapat ay nakikita, katabi, hawak o nakadikit sa iyong balat upang sa ganitong paraan, o ‘yung power ng kulay ay mapaloob din sa iyong inner self na siya namang aakit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa mismong araw ng iyong exam.

Kaya nga, Mike, tulad ng naipaliwanag na sa itaas, magsisimulang lahat ang iyong magagandang kapalaran sa 2021 sa edad mong 29 at makikita mo, sa nasabing panahon, kusang matutupad nang magaan at suwabeng-suwabe ang lahat ng pangarap mo sa buhay – makakapasa ka sa Electronics Engineering board exam, magkakaroon ka ng regular na trabahong malaki ang suweldo at may kaugnayan sa natapos mong kurso. Higit sa lahat, sa panahon ding tinuran, magkaka-girlfriend ka na nang pangmatagalan at masaya, hatid ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page