‘Di aawat sa taas ang presyo ng gulay hangga’t malaya ang mga smugglers
- BULGAR
- Jan 10, 2023
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 10, 2023
HANGGA’T HINDI NAKUKULONG ANG MGA AGRI-SMUGGLERS, LALONG TATAAS ANG PRESYO NG MGA GULAY SA ‘PINAS—Noong January 4, 2023 ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA), na pumalo sa 32.4 % ang itinaas ng presyo ng iba’t ibang uri ng gulay sa bansa.
Kung ganu’n, hindi lang pala sibuyas ang mataas ang presyo, kundi pati ang iba pang gulay.
Hay naku, madalas pangalanan ni presidential sister, Sen. Imee Marcos ang mga agri-smugglers na nagho-hoard ng gulay sa bansa, pero hindi pa rin sila dinarakip ng awtoridad.
Hangga’t walang aksyon ang Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga agri-smugglers na sina “Leah Cruz”, “Michael Yang”, “David Bangayan”, “Paul Teves”, “Manuel Tan”, “Andrew Chang” at “Jun Diamante”, asahang lalo pang tataas ang presyo ng mga gulay sa bansa.
◘◘◘
‘BINUWAYA’ ANG BUDGET SA AIR TRAFFIC CONTROL SYSTEM—Nag-post sa social media si former Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kinokondena ang inaprubahan na P13 bilyon para sa Air Traffic Control System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay idinivert ng Duterte administration para sa beautification ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kulang na lang ay sabihin ni Lacson na ang budget para sa Air Traffic Control System ay ‘binuwaya’ ng mga kurakot sa nagdaang administrasyon.
◘◘◘
KORUP LANG ANG GALIT SA AKTIBISTA—Nagtataka tayo kung bakit ang daming pulitiko ang galit sa mga aktibista.
Malamang, sila ‘yung mga pulitiko na kurakot sapagkat ang binabatikos ng mga aktibista ay korup na pulitiko.





Comments