top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Desisyon ng ‘local communities’ kung may misa o wala

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2021
1 min read

@Editorial | March 25, 2021



Depende sa “local communities” kung itutuloy ang kanilang pagdaraos ng pisikal na misa.


Ito ang nilinaw ng Archdiocese of Manila, kasunod nang inilabas nilang pastoral instruction, kung saan nakasaad na magdaraos ng religious activity ang mga simbahan na kanilang sakop pero 10 porsiyento lamang ang papayagang kapasidad nito.


Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Manila archdiocese, ang konsepto ng “local communities” ay nakabase sa “principle of subsidiary.”


Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng misa pero depende sa magiging desisyon ng mga pari kasama ang mga pastoral leaders.


Samantala, nilinaw din ng simbahan na ang kanilang pastoral instruction ay hindi pagkontra sa guidelines ng national government na nagbabawal sa mass gatherings sa loob ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal sa loob ng dalawang linggo na general community quarantine “bubble.”


Kaugnay nito, may humihirit na pagbabawalan nga ang simbahan na magmisa dahil iniiwasan ang “mass gathering” pero kung tutuusin ay mas matindi ang dikitan ng mga tao sa shopping malls at palengke. Ipinatutupad ang curfew at hindi rin basta maaaring lumabas pero sa gabi ay may nakatambay sa kalye, may kabataan pa na namamasyal.


Ang pagtaas ng kaso ng COVID ay nakadidismaya pero ‘ika nga ay hindi na bago.


Mahigit isang taon na ang pandemya hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo. Pero may natutunan ba tayo—mula sa ordinaryong mamamayan hanggang sa mga miyembro ng pamahalaan? Kung meron man, nagamit ba ito para mapabuti ang kasalukuyan?


Marahil, kaya hindi matapus-tapos ang problema sa pandemya ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naitatama ang maling sistema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page