Delivery service, protektahan laban sa droga
- BULGAR

- Aug 19, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | August 19, 2025

Duarami na ang kaso kung saan ginagamit ang mga delivery service sa pagpapakalat ng ilegal na droga.
Walang kamalay-malay ang mga delivery rider na droga na pala ang kanilang dinadala. Ito ay malinaw na pagsasamantala sa sistema at sa mga manggagawang tapat na naghahanapbuhay.
Dahil dito, kailangang higpitan na ang regulasyon. Dapat tiyakin ng mga kumpanya na may malinaw na pagkakakilanlan ang sender at receiver.
Bawat package ay dapat dumaan sa tamang inspeksyon, lalo na kung kahina-hinala. Kung kinakailangan, magpatupad ng random checks at mas istriktong tracking ng deliveries.
Hindi rin sapat ang simpleng paalala. Kailangan ng konkretong polisiya at aktibong pakikipagtulungan ng mga delivery company sa mga awtoridad.
Hindi puwedeng gawing daan ng droga ang isang sistemang dapat ay nakatutulong sa buhay ng tao.
Kung hindi ito aaksyunan ngayon, mas lalala ang problema. Panahon na para maging mas mahigpit at mas maingat.





Comments