top of page

Dedma sa crush, may chance na maging dyowa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | February 19, 2022


ree


KATANUNGAN


  1. May crush ako na taga-rito lang din sa barangay namin, pero hindi niya ako pinapansin o sabihin na nating hindi pa rin niya ako nililigawan. Sa palagay mo, Maestro, dapat pa ba akong umasa na magiging kami ng crush kong ito kahit hindi naman niya ako pinapansin?

  2. Sa edad kong 19, kailan ulit ako magkaka-boyfriend? Matagal na kasi akong walang boyfriend since fourth year high school.


KASAGUTAN


  1. Magkaka-boyfriend ka na ngayong taon. Ito ang nais sabihin ng mala-hiblang guhit paitaas sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kung ang guhit paibaba sa Heart Line (arrow b.) ay tanda ng pagkausyami sa pag-ibig o kabiguan, ang guhit paitaas sa Heart Line (arrow a.) ay tanda ng tagumpay at kaligayahan sa pag-ibig, na siyang posibleng mangyari sa iyong karanasan sa malapit na hinaharap.

  2. Kung hindi man ngayong buwan ng Pebrero hanggang Marso, maaaring sa buwan ng tag-araw o Abril hanggang Mayo, kung saan sa hindi sinasadyang pagkakataon, magkakasabay kayo palabas ng inyong barangay patungong bayan, kaya obligadong magkakuwentuhan kayo at magkahulugan ng loob, hanggang sa pag-uwi, pareho n’yong mare-realize na compatible at masaya pala talaga kayong magkasama. Kaya sa pagpatak ng unang ulan sa buwan ng Mayo, magiging pormal na rin ang inyong masaya at halos walang kamatayang relasyon na mauuwi sa mainit na suyuan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang bihira lang makita sa kaliwa at kanang palad ang guhit ng tagumpay, lalo na kung tungkol sa pag-ibig. Pero ang basic rule pa rin ay, lahat ng guhit paakyat sa itaas ng palad ay positive ang kahulugan, habang lahat naman ng guhit na pababa o pakansela sa palad ay may negatibong kahulugan.

  2. Kaya tulad ng nasabi na, Mara, sa taon ding ito ng 2022, ayon sa iyong mga datos, sa buwan ng Abril hanggang Mayo, sa edad mong 19 pataas, matutupad ang matagal mo nang pinapangarap — magiging karelasyon mo na ang lalaking noon mo pa crush.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page