'Deadpool & Wolverine’, nalagpasan na ang kita ng Passion of the Christ
- BULGAR
- Aug 5, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 5, 2024

Nakapagtala ang superhero comedy ng Disney/Marvel na 'Deadpool & Wolverine' ng mga bagong record sa sinehan sa Hilagang Amerika nitong weekend, na kumita ng $97 milyon sa mga ticket sales, ayon sa Exhibitor Relations nitong Linggo.
Dahil dito, umabot na ang domestic total nito sa $395.6 milyon, ayon sa Variety. Samantala, ang international ticket sales ay kumita ng kahanga-hangang $428 milyon.
Dahil sa kasikatan nina Ryan Reynolds (Deadpool) at Hugh Jackman (Wolverine), ang pelikula ay nakapagtala rin ng bagong record para sa 'highest domestic gross for an R-rated feature', na nalampasan ang dating record na hawak ng 'The Passion of the Christ' ni Mel Gibson na $370 milyon.
Sa Pilipinas, matatandaang inilabas ang 'Deadpool & Wolverine' sa mga sinehan noong Hulyo 24 at maaari pa rin itong mapanood sa mga sinehan nationwide.





Comments