DDS daw pala… ALDEN, BINA-BASH NG NETIZENS BILANG ENDORSER NG DOH
- BULGAR

- Jul 10, 2020
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | July 10, 2020

Muling kinuha ng Department of Health (DOH) si Alden Richards para pangunahan ang campaign ng DOH na #BidaSolution laban sa Covid-19. Inilabas na ng DOH ang campaign na may mga paalala kung paano makakaiwas sa sakit. B para sa Bawal ang Walang Mask. I para sa I-sanitize ang mga Kamay. D para sa Dumistansiya ng Isang Metro at A para sa Alamin ang Totoong Impormasyon.
Ang Philippine government at USAID/US Embassy ang nasa likod ng campaign.
Matatandaang unang kinuha ng DOH sina Alden at Louise delos Reyes noong 2013 bilang ambassadors sa Go4Health campaign. Nagkataon naman na nang ilabas ng DOH ang campaign kahapon, guest si Louise sa Bawal Judgmental segment ng Eat... Bulaga!. Muling nagkita ang former love team at kahit matagal nang hindi nagkikita, “Lou” pa rin ang tawag ni Alden kay Louise.
Anyway, kasama na si Alden nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, JC Santos at Dingdong Dantes na bumida sa campaign ng DOH. Pero, bakit mukhang kay Alden lang nagri-react ang ibang netizens na laban sa DOH at sa gobyerno? Kahit alam ng mga netizens na makakatulong para makaiwas sa Covid-19 ang campaign na ginawa ni Alden, may nasasabi pa rin ang iba at inaakusahan si Alden na DDS.
Samantala, nag-viral ang photos ni Alden na nag-camera man sa Eat... Bulaga! na sabi ng mga bashers ng aktor, for publicity purposes lang ang paghawak ni Alden ng camera. Hindi alam ng mga bashers na dati nang nagka-cameraman si Alden kapag hindi siya ang host ng segment sa EB!.
Samantala, masaya ang mga fans ni Alden at ng bumubuo ng All-Out Sundays dahil simula sa Linggo, balik na uli sa telebisyon ang musical-variety-comedy show sa bagong time slot na 12:45 PM.





Comments