'Daylight saving time' kontra-trapik
- BULGAR
- Mar 26, 2022
- 1 min read
@Editorial | March 26, 2022
Trapik!!! Grabe na naman ang sitwasyon sa mga lansangan.
Kaya marami ang humihirit na i-extend ang work-from-home para hindi na makadagdag sa bigat ng trapiko.
Samantala, isa pa sa pinag-aaralan ng pamahalaan ay ang rekomendasyon na natanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang magpatupad ng 'daylight saving time'.
Layon ng sistemang ito na gawing mas maaga ang pasok at transaksyon sa gobyerno mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 na ng hapon.
Malaking bagay umano ang isang oras na mas maagang pasok sa gobyerno. Hindi lamang sa mga pumapasok sa trabaho ang magbebenepisyo rito kundi pati ang mga may transaksyon sa pamahalaan.
Base sa datos ng MMDA, ang daily volume ng mga sasakyan na dumaraan sa EDSA bago magkaroon ng COVID-19 pandemic ay 405,000. Bago ang ilang serye ng bigtime oil price hikes, nasa 390,000 na ang bilang na ito. Bumaba pa ito sa 370,000 noong kasagsagan ng price hikes.
Bukod sa hirit na mas maagang pasok sa trabaho, masasabing malaking tulong pa rin ang pagiging responsable at disiplinado kapag nasa biyahe.
Sundin ang mga batas-trapiko at huwag sabayan ng init ng ulo ang init ng panahon.



Comments