top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Day 1, mga bagong halal sa gobyerno, work, work na!

BULGAR
Jul 1, 2022
1 min read

@Editorial | July 1, 2022


Ngayong ang unang araw ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno, sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos.


Sa inagurasyon ni P-BBM kahapon, tiniyak ng bagong Pangulo na handa na siya sa mga gampanin bilang lider ng bansa. Batid umano niya ang bigat na responsibilidad na iniatang sa kanya ng taumbayan. Kasabay nito ang paniniwala na kakayanin naman basta may pagkakaisa at pagtutulungan.


Una na rin niya ipinangako na itutuloy ang magagandang proyekto na nasimulan ng sinundang administrasyon.


Ang panawagan naman ng mamamayan, umalis o alisin na ang mga pasaway sa gobyerno. ‘Ika nga, kahit anong buti at galing ng isang pangulo kung palpak naman ang kanyang mga kapwa opisyal, bulok din ang sistema.


Ito na ang magandang simula para linisin ang mga ahensya ng gobyerno. Palitan na ang mga walang ginagawa at ipasok ang mga magagaling at tunay na public servant.


Batid naman natin na talagang mapapalaban ang Pangulo at mga opisyal ng bagong administrasyon, maraming nakapilang problema.


Pero, tulad ng palagi nating sinasabi, hindi ito kakayanin ng gobyerno lang, dapat magkaisa ang publiko at maging ang mga nasa pribadong sektor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page