Dating preso, tiklo sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | June 15, 2023
CAPIZ — Isang dating preso ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Nasunugan, Dao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roy Salvador, 51, at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na dating nakulong sa kasong illegal drugs si Salvador at nakalaya lamang ito sa pamamagitan ng piyansa.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments