Dating estudyante sa UP Visayas, patay sa engkuwentro sa NPA
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | July 6, 2020

Namatay sa isang sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at New People’s Army (NPA) ang dating studyante ng University of the Philippines Visayas (UPV) sa Iloilo na si Marvin Christian Cruz.
Sa isang panayam, nitong Linggo natukoy ng Army’s 61st Infantry Battalion ang napatay na rebelde na si Marvin Christian Cruz, 21-anyos na sinasabing pinuno ng koponan ng Squad, Suyak Platoon Southern Front Committee sa ilalim ng Panay Regional Committee of the Communist Party of the Philippines.
Si Cruz ay taga Oton town sa Iloilo na dating estudyante sa Miag-ao campus ng UPV na kung saan siya ay isang aktibista ayon kay 61Lb.
Namatay sa engkuwentro si Cruz sa pagitan ng mga hinihinalang mga rebelde ng NPA at ng 61lB. Hindi agad nakilala ang biktima na si Marvin Christian Cruz nitong Linggo sa Barangay Dalije sa Miag-ao town sa Iloilo na halos 47 kilometro ang layo sa timog ng Iloilo City.
Ang labi ni Marvin Christian Cruz ay nakuha matapos ang sagupaan ng mga rebelde at NPA.




Comments