Dapat siguraduhing tuloy ang Bgy. at SK elections
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 19, 2022
HANGGANG PRAMIS LANG NA PAGAGANDAHIN ANG BUHAY NG MGA PINOY—Sa kada eleksyon, ang pramis ng mga kandidato na gagawa sila ng mga batas para sa kapakanan ng mamamayan.
Inakala ng mayoryang botante na totoo ang sinabi ng mga cong., pero laking gulat nila nang manalo ang mga ibinoto nila ay hindi pagpapabuti sa kanilang buhay ang isinulong, kundi pinag-interesan pa ang pension funds ng GSIS at SSS, pati savings ng mga depositors sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) para ilagak sa isinulong na Maharlika Investment Fund (MIF).
‘Ika nga, huli na nang mapagtanto ng mga botante na sila ay mistulang “nabudol” ng mga trapo.
◘◘◘
TODO-PANAWAGAN NA MAGPAREHISTRO, SIGURADUHIN N'YO NA HINDI MAPO-POSTPONE ANG ELECTIONS—Matapos i-open ng Comelec ang voters registration mula Dec. 9, 2022 hanggang Jan. 31, 2023 ay nanawagan ito sa mga hindi pa rehistradong mamamayan na magparehistro na para makaboto sa barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections sa October 30, 2023.
Hanep, may pana-panawagan pa ang Comelec, tapos pagsapit ng October 30, 2023 ay ipo-postpone na naman ang halalang pambarangay. Pinagod at inabala lang nila ang mga nagparehistro.
◘◘◘
MANANAYA NG PERYA NG BAYAN SA PANGASINAN, GINAGAWANG ADIK SA SHABU—May impormasyon na ang mga kubrador ng “Perya ng Bayan”-con jueteng na nina “Mat”, “Fajardo” at “Chito” sa Pangasinan ay nagbebenta rin ng shabu.
Kung totoo ito, aba, dapat aksyunan ito ni Pangasinan PD Col. Jeff Panged, ipa-tokhang niya agad sina “Mat”, “Fajardo” at “Chito” kasi sobrang bad ang raket ng tatlong vice lords, bukod sa ginagawa nilang adik sa sugal at ginagawa rin nilang adik sa shabu ang mga mananaya sa illegal gambling.





Comments