top of page
Search
  • BULGAR

Dapat sapat lang ang konsumo… Tipid pa more sa tubig at kuryente!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 27, 2022



Marami tayong dapat paghandaan sa susunod na mga araw.


Bukod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod pagsalakay ng Russia sa Ukraine, kailangan din nating paghandaan ang napipintong kakulangan ng kuryente at tubig sa Kamaynilaan at Luzon sa darating na mga buwan.


☻☻☻


Ayon sa tantiya ng National Water Resources Board (NWRB), posibleng magkaroon ulit ng kakulangan ng tubig pagdating ng Abril o Mayo sa Kamaynilaan.


Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na nagsu-supply ng 98 percent ng tubig sa Kamaynilaan.


Noong isang linggo ay bumaba pa sa 195.75 meters ang lebel ng tubig sa dam, na mababa sa ideal water level na 200 meters.


Hindi rin umano naging sapat ang ulan noong mga huling buwan ng 2021 upang mapuno ang dam.

☻☻☻


Isa pang alalahanin ay ang posibilidad ng brownouts dahil sa tinatayang manipis na supply ng kuryente sa Luzon grid pagdating ng summer months.


Ayon sa National Grid of the Philippines (NGCP), tinaya ng Department of Energy (DOE) na aabot sa 12,387 megawatts (MW) ang peak demand sa huling linggo ng Mayo ngayong taon.


Mas mataas ito ng 747 MW kumpara sa parehas na panahon noong nakaraang taon.


☻☻☻


Nananawagan ang mga supplier na magtipid ng konsumo upang maiwasan ang kakulangan ng demand.


Gumagawa na rin umano ng mga augmentation measures upang hindi magkaroon ng supply disruptions.


Ang apela naman natin ay pabilisin ang pag-apruba ng mga bagong power plants at pagkukunan ng tubig upang makahabol sa mabilis na paglago ng demand.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page