top of page

Dapat malaman kung totoong inlab sa dyowang tibo

  • BULGAR
  • Jun 4, 2022
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 1, 2022


Dear Maestro,


May karelasyon akong tomboy at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magtatagal ang relasyon namin. Nababalitaan ko kasi na may iba pa siyang nililigawan.


Compatible ba kami at kami na ang magsasama habambuhay? November 4, 1997 ang birthday ko at October 31, 1995 naman ang birthday niya.


Umaasa,

Eve ng San Juan, Taytay, Rizal


Dear Eve,


Kung may pagkatomboy ka rin, ibig sabihin ay tulad niya na umiibig ka sa kapwa mo babae na parang lalaki kumilos at pumorma, posibleng maging maligaya ka pa rin kung habambuhay na kayong magsasama.


Subalit kung tunay kang babae, kumbaga, na-inlab ka sa lalaki at nangangarap magkaroon ng sexual intercourse mula sa opposite sex at magka-baby, kahit sabihin pang compatible kayo sa Astrology, sapagkat kapwa kayo Scorpio at nagkataon ding kapwa kayo nagtataglay ng birth date na 4 (dahil ang birth date na 31 ng karelasyon mo ay 3+1=4), hindi ka magiging maligaya sa karelasyon mong tomboy dahil ang mangyayari ay palaging may kulang — kulang sa aktuwal na pakikipagtalik at pagbubuntis o pagkakaroon ng mga supling.


Tulad ng nabanggit, kung tomboy ka rin, posibleng maging masaya ka sa piling ng karelasyon mong tibo dahil sa usapang Psychology, kung tutuusin, kapwa kayo nagtataglay ng “abnormal sexual life” o “deviant personality” pagdating sa sex. ‘Yun nga lang, ang karelasyon mo ang tumatayong lalaki, habang ikaw ay tumatayo bilang tunay na babae. Pero tulad ng naipaliwanag na, sa technical term, anuman ang role mo sa same sex relationship, seselyuhan pa rin ang inyong ginagawa bilang “sexual deviation” o paghulagpos ng inyong pagkatao sa normal na gawi ng lipunan.


Kaya, Eve, ang pinakamaganda mong magagawa ngayon ay suriin moa ng iyong sarili, ‘ika nga, “introspection” kung saan linawin mo kung straight kang babae o may pagka-tomboy din. Sa ganu’ng paraan, kung hindi ka naman na-in love sa lalaki at umibig ka talaga sa isang tomboy, kahit wala siyang male sexual organ at wala kayong magiging supling habang kayo ay nagsasama, magiging maligaya ka pa rin sa piling niya dahil hindi pangkaraniwan ang panlasa mong pang-sexual.


Subalit sa panahong sinusuri mo ang iyong sarili at nalaman mong kaya ka lang na-in love o nagkagusto sa kanya ay binibigyan ka niya ng pera o habang nagse-sex kayo ay hindi ka naman nasasarapan o lumiligaya, sa halip ay nandidiri ka pa sa inyong ginagawa, gayundin, talagang may lalaki kang crush o tinatangi, kung saan hindi naman talaga tumibok ang puso mo sa karelasyon mong tomboy. At sa likod ng iyong isip ay nangangarap ka ring magka-baby at makatikim sexual intercourse sa lalaki, masasabing walang “sexual deviation” sa iyong pagkatao – normal kang babae kaya hindi ka magiging maligaya sa pakikipagrelasyon sa isang tomboy.


Sa madaling salita, nasa sarili mo ang tugon kung magtatagal at magiging maligaya ka sa karelasyon mong tomboy. Kailangang masagot mo ang tanong na, “May pagka-unique o abnormal ba ang panlasa kong pang-sexual?” Kung “Oo,” ang iyong sagot, magatagal ang inyong relasyon, subalit kung “Hindi,” ang sagot, may isa ka pang dapat sagutin sa iyong sarili at ito ay ang tanong na, “Na-in love ba talaga ako sa kanya o naging karelasyon ko lang siya dahil sa awa o pera?”


Kung “Hindi,” ang sagot mo sa unang tanong, normal ang panlasa mong pang-sexual dahil may libog o init ka sa lalaki at kung “Oo,” naman ang sagot mo sa ikalawang tanong, dahil na-in love ka lang sa isang tomboy dahil sa pera, mas mabuti pang iwanan mo na siya ngayon upang hindi ka na mapalautan pa.


Pagkatapos, humanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, Cancer, Pisces o kapwa mo Scorpio na may birth date na 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29. Sa piling ng nasabing tunay na lalaki, mas magiging satisfied ka at magkakaroon ng mas maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page