top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dapat lang patas na batas

BULGAR
Oct 16, 2022
1 min read

@Editorial | October 16, 2022


Hindi maipagkakailang laganap ang ilegal na droga sa bansa. Walang edad o estado sa buhay—lahat ay nasasangkot sa ilegal na droga.


Pero ang masaklap, maging ang mga opisyal ng gobyerno ay sabit na rin sa masamang gawain.


Kamakailan ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act ang anak ni Justice Secretary Crispin Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla.


Matapos itong makumpiskahan ng halos isang kilo ng kush, na isang mataas na klase ng marijuana.


Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency spokesman Derrick Carreon, inihain ang kaso sa Las Piñas Prosecutors Office.


Dagdag pa nito, nakasaad sa Republic Act 1965 Section 4, habambuhay na pagkabilanggo ang parusa para sa mga sangkot sa importasyon ng ilegal na droga.


Nakadidismaya na anak pa mismo ng Justice secretary ng bansa ang kabilang sa mga salot ng lipunan.


Tunay na bawat pamilya ay may kani-kanyang pagsubok, pero ibang usapan kapag nadamay na pati ang lipunan.


Sa kabilang banda, ang intensyunal na gawain ay hindi katanggap-tanggap na tawaging pagsubok—may free will ang bawat isa—pinili nila 'yan.


Ang pagdakip at pagpataw ng parusa sa mga ilegalista ay hustisya para sa mga buhay at pangarap ang nasira at nabalewala dahil sa ilegal na droga.


Kaya naman, tulad sa proseso sa mga ordinaryong tao na nahuhuli sa akto at naparurusahan agad, sana'y maging patas ang batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page