top of page

Dapat lang i-lifestyle check si Celine Pialago para malaman kung saan niya kinukuha ang...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2020
  • 2 min read

pinambabayad sa 70 admins ng kanyang FB account!!! ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 21, 2020



POLITICAL DYNASTY AT PORK BARREL, UGAT NG KORUPSOYON SA ‘PINAS—Sa muling pagharap ni P-Duterte sa publiko, ibinida niyang walang are-areglo sa mga kurakot kasi lahat ng mga korup ay may paglalagyan.

‘Sus, kung makapagsalita si P-Duterte akala mo talaga hate niya ang korupsiyon.

Kung totoong may malasakit siya sa taumbayan, ipa-urgent bill niya na wakasan na ang political dynasty at ipa-stop na ang “pork barrel” ng mga kongresista kasi sa totoo lang, ‘yan ang ang ugat ng korupsiyon sa bansa, period!

◘◘◘

SI MAYOR SARA ANG NAGPASIBAK KAY CAYETANO BILANG SPEAKER?—Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, malaki ang naitulong ng impluwensiya ni Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaya naluklok siyang bossing ng Kongreso at napatalsik sa puwesto si Alan Cayetano.

Dahil sa sinabing ‘yan ni Velasco, tiyak ang masama ng loob ni Cayetano kay Mayor Sara kasi lumalabas na ang presidential daughter pala ang gumawa ng paraan para patalsikin siya sa puwesto, boom!

◘◘◘

KUNG SI CONCHITA MORALES PA ANG OMBUDSMAN, MALA-LIFESTYLE CHECK SI CELINE PIALAGO—May mga netizens ang nananawagan na dapat ipa-lifestyle check si MMDA spokesperson Celine Pialago para malaman ng publiko kung saan nito kinukuha ang pampasuweldo sa 70 administrators ng kanyang Facebook account.

Ang suwerte ni Pialago kasi ang appointee ni P-Duterte na si Ombudsman Samuel Martirez ay ayaw magpa-lifestyle check ng mga opisyal ng gobyerno, pero kung nagkataong si retired Ombudsman Conchita Morales ‘yan, malamang ay malasin siya, period!

◘◘◘

PUWEDE KUMUHA NG KOPYA NG SALN NI P-DUTERTE, PERO ANG OMBUDSMAN AYAW MAGBIGAY—Uminit na naman ang isyu tungkol sa SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) dahil sa report ng PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism) na sa lahat ng naging pangulo ng Pilipinas ay si P-Duterte lang ang ayaw isapubliko ang SALN.

Ang depensa ni Presidential spokesman Harry Roque, open at kahit sino ay puwedeng makakuha ng kopya ng SALN ni P-Duterte sa Office of the Ombudsman, pero ‘yun nga lang, ayaw naman magbigay ni Ombudsman Martirez, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page