top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dapat gawin ng may Zodiac Sign na Leo para sure na umunlad

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 6, 2022



Dear Maestro,


Ano ang bagay na negosyo sa akin? Gayundin, ano’ng kombinasyon ng kulay ang suwerte sa akin at ano’ng mga numero ang mapalad? Isa pa, nais kong malaman ang pormula kung paano magtatagumpay at magiging maligaya ang tulad kong isinilang sa zodiac sign na Leo, July 25, 1974 ang birthday ko.



Umaasa,

Raven ng Aliaga, Malasiqui, Pangasinan


Dear Raven,


Ang totoo nito, para magtagumpay at lumigaya ang mga Leo, kailangang siya ay ma-expose sa lipunan upang siya ay mag-shine. “Shine” ang ginamit nating salita, sapagkat ito ang dapat mangyari sa career at kapalaran ng Leo, ang magningning at maging ganap na bituin sa lipunan na kanyang ginagalawan. Kapag hindi siya sumikat, mapapansing walang kakuwenta-kuwenta ang buhay niya.


Ibig sabihin, kapag dumating sa buhay ng Leo ang pagkakataong siya ay sisikat o makikilala sa lipunan, kailangang kunin niya ito, sapagkat sa daigdig ng pagsikat, palakpak, papuri, paghanga, nagtitilian at naghihiyawang mga tao, siya ay hindi lang uunlad, bagkus ay magiging maligaya pa.


Maghanap ka ng taong Leo na wala sa limelight at makikita mo na hindi lang siya nalulungkot, bagkus ay naghihirap pa. Sabihin na nating ang taong Leo na wala sa limelight ay hindi masasabing matagumpay at maligaya.


Pero maghanap ka ng Leo na palaging abala sa paglilingkod at pagpapasikat sa lipunan o pang-aaliw sa maraming mga tao, at makikita mong siya ay magiging maligaya, hahaba ang buhay at tatanda nang masaya.


Ang isa pang halimbawa ng Leo na hindi natighay ang ningning ng kanyang career hanggang siya ay tumanda at nanatili siyang nagniningning at humaba pa ang buhay niya (edad 90 siya namatay), ay ang diktador ng Cuba na si Fidel Castro, isinilang siya noong August 13, 1926. Tunay ngang bukas na libro ang kasaysayan, kung hindi lang siya tumanda nang husto at iginupo ng mga karamdaman, hindi niya sana ipamamana sa kanyang kapatid na si Raul Castro ang pagiging diktador ng Cuba.


Kaya masasabing dalawa lang ang larangan na sadyang magpapaligaya at magbibigay ng maunlad at masayang buhay sa Leo, una ay ang pag-aartista o sabihin na nating sa daigdig ng entertainment at pangalawa, sa pagiging maimpluwensiya, madakdak at leader ng propagandang pamumulitika.


Muli, ang pormula para sa Leo, kapag may pagkakataon kayong sumikat, sunggaban n’yo agad kaysa magkapamilya, tumanda at pumanaw kayo nang walang naging achievement at kaligayahan sa mundong ito.


Samantala, dilaw ang pinakasuwerteng kulay para sa Leo, sapagkat sila ay under sa planetang Araw o Sun. Habang ang pinakamapalad nilang panahon ay tag-araw at tag-init, gayundin mula sa ika-20 ng Hulyo hanggang ika-25 ng Agosto, mula sa ika-20 ng Nobyembre hanggang ika-25 ng Disyembre at mula sa ika-20 ng Marso hanggang sa ika-25 ng Abril.


Lahat ng numerong may sumatotal na 1, 4 at 8 ay mapalad sa Leo, tulad ng 10, 19, 28, 37, 13, 22, 31, 40, 49, 17, 26, 35, 44 at iba pang kauri nito. Berde o itim naman ang kanilang secondary colors, sigon sa anumang nangyayari sa kanilang buhay.


Habang, ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, kusang aangat ang graph ng tagumpay at kaligayahan sa iyong buhay kung sisimulan mo nang makipagkaibigan, maglalabas at magpasikat sa lipunan, sa susunod na taong 2023 sa edad mong 49 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page