top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dapat gawin ng mag-asawang todo-kayod pero ‘di yumayaman

BULGAR
May 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 3, 2022




KATANUNGAN

  1. Maestro, ang pagyaman ba ay nakatakda? Naitanong ko ito dahil napapansin ko na kahit ano’ng pagsisikap ang gawin naming mag-asawa ay parang kulang pa rin. Palagi pa rin kaming kapos sa pera at may mga utang pa, gayung masipag naman kami sa aming negosyong tindahan ng mga damit sa public market.

  2. Sabi ng mister ko, magpalit kami ng produkto dahil baka raw hindi kami suwerte o hiyang sa pagtitinda ng mga damit. Pero gustuhin ko mang magpalit ng business, marami pa kaming mga utang sa supplier.

  3. Kung magpapalit kami ng produkto o negosyo, ano’ng produkto ang mas maganda at may pag-asa pa ba kaming makabangon sa utang at yumaman?

KASAGUTAN

  1. Hindi nakatakda ang pagyaman. Sa halip, ito ay ginagawa sa pagkakaroon ng ugaling masinop sa kabuhayan at mapagmahal sa bawat sentimo na iyong kinikita. Ito ang “basic traits” ng isang tao na may straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad. Kung ganyan ang kaliwa at kanang palad n’yo ng iyong mister, may straight at good looking Head Line (H-H arrow a.), malamang na sa kahit ano’ng negosyo na inyong hahawakan, tiyak na kayo ay yayaman.

  2. ‘Ika nga ni Kuya Manoling, “Lahat ng negosyo ay maganda, ang negosyante lang ang pangit.” Ibig sabihin, maganda dapat ang lahat ng kapalaran at ang mga nakatakdang mangyayari sa ating kapalaran, kaya lang, mas madalas na mismong tao ang nagpapapangit nito.

  3. Halimbawa, negosyante ka, pero gastos ka nang gastos ng benta o hindi mo alam ang pagkakaiba ng salitang “sales” sa “income”, o sa Tagalog, hindi mo naiintindihan ang salitang “benta” sa “kinita o tinubo”. Akala mo, kapag marami kang benta, ‘yun na rin ang kita o tubo, kaya gagastusin mo, hindi lang ang tubo kundi pati na ang benta. Kaya sa bandang huli, magugulat ka pa dahil wala ka nang puhunan at nawala na rin ang laman ng inyong tindahan.

  4. Ganyan ang mga hangal na negosyante. Pati ang benta ay inubos o ginastos sa pangangailangan ng kanilang pamilya, kaya ang ending, wala na ring puhunan at mauuwi sa pangungutang, na lalong magpapalubog o magpapahirap sa kanya.

  5. Dahil dito, dapat matuto kang magsinop ng kabuhayahan. At bukod sa pagiging kuripot, kakambal nito ang pagiging masinop o matipid. At dapat may may disiplina ka sa iyong sarili. Ibig sabihin, wala kang bisyo at kaya mong disiplinahin ang iyong sarili na mag-ipon nang mag-ipon at hindi gagalawin ang perang ito. Kapag ganyan ang nangyari, kumbaga, ‘pag nagkuripot, masinop, may disiplina at walang bisyo, kahit ano ang hawakan mong negosyo, tiyak na uunlad ka.

DAPAT GAWIN


Samantala, ayon sa iyong mga datos, Cynthia, partikular ang ruling planet n’yo na Mercury at sundin mo lang ang mga rekomendasyon sa itaas. Gayundin, idagdag n’yo ang online selling ng inyong mga produkto at rolling store o paglalako ng mga paninda, at puwede rin ang pagti-tiyangge kapag araw ng palengke sa isang partikular na bayan, tiyak ang magaganap – sa taong 2027 at sa edad mong 55 pataas, magsisimula nang umunlad ang inyong negosyo hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page