top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dapat gawin ng bebot na may 2 manliligaw na foreigner

BULGAR
Aug 23, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 23, 2022


Dear Maestro,


Maaari n’yo ba akong bigyan ng gabay sa pagpili ng suwetong tao para sa aking personalidad batay sa mga numero? May dalawa akong manliligaw na foreigner at ayaw kong magkamali ng pagpili dahil nasilat na ako dati ng kapwa ko Pinoy at kung may papait pa sa ampalaya sa pag-describe ng sinapit ko sa kanya, ‘yun na ‘yun!


Ang kaarawan ko ay August 16, 1987, habang ang isa kong manliligaw ay January 12, 1983, na una kong nakilala na pino ang kilos at malambing magsalita. Habang ‘yung isa naman ay February 19, 1981 na maliksi ang kilos at may pagka-bruskong manalita. Pareho silang mabait at may ipinapangako.


Gusto ko ang mga numerong 1, 10 at 19 dahil may mahahalagang pangyayari sa buhay ko sa mga petsang ito – malungkot at masaya. Sino sa dalawang foreigner na ito ang dapat kong piliin?



Umaasa,


Maybelyn ng Bagbag, Novaliches, Quezon City


Dear Maybelyn,


Alam mo kung bakit significant sa iyo ang mga numero at petsang 1, 10, at 19? ‘Yan kasi ay may sumatotal na one (1). Ang numerong ‘yan ang numero ng zodiac sign mong Leo, kaya walang katanggi-tanggi na umiiral sa iyo ang impluwensiya ng Leo, kaya imagine, 35-anyos ka na, pero tiwala ka pa rin na magkakaroon ka ng masaya at panghabambuhay na love life.


Ganyan kasi ang mga Leo o sabihin na nating ganyan sila kagaling at hindi sila nawawalan ng tiwala sa sarili nilang appeal at assets, kumbaga, mayabang sila at palaging buo ang loob. Dahil dito, akala ng mga nanonood at nakakakilala sa kanila, pero kwidaw ka sa isang sulok, madalas mo rin silang matatagpuang lumuluha habang nag-iisa.


Samantala, siguradong ka-compatible mo si February 19, 1984 dahil ang zodiac sign niyang Aquarius ay ka-opposite attract ng Leo, na sa ikalawang teorya ng compatibility, ito ang tinatawag na “complimentary attractions”. ‘Yun bang dilim ng gabi at liwanag ng araw na hindi puwedeng paghiwalayin dahil sa paglubog ng araw o paglatag ng dilim at sa pagsikat ng araw at pagkalat ng liwanag sa umaga, sinusukat ang usad at galaw ng panahon.


Para ring maganda at pangit, hindi mai-de-describe ang maganda kung walang pagbabatayan o comparison sa mga pangit. Pero sa totoo lang, tulad ng nabanggit, kahit sila ay opposite, ang complementary attraction o compatible ay namamayani pa rin sa kanila.


Gayundin, parang lalaki at babae, ‘ika nga ay feminine at masculine energy, na siya ring larawan ng yin at yang. Magkabaliktad, pero kapag nagsama, may kakaiba at mabisang lakas na kumukulapol sa kanilang relasyon.


Ang problema lang sa mga taong may mga birth date na 1, 10, 19 at 28, parang ikaw din, minsan may pagkabulabog ang kanilang personalidad, kaya habang nagaganap ang inyong relasyon, maaari ka niyang lokohin o maaari siyang mambabae o puwede ring sa kasalukuyan ay dalawa kayo sa buhay niya.


Kaya kung gusto mo na walang gaanong stress sa pamilya, hindi inirerekomenda sa iyo ang taong isinilang sa petsang 19. Subalit, sila ang katugma mo at sa kanila ka magiging maligaya— lahat ng taong may birth date na 1, 10, 19 at 28, gayundin silang may mga birth date na 4, 13, 22 at 31.


Samantala, kung gusto mo namang yumaman at walang masyadong conflict ang pag-aasawa, okey na ang isang Capricorn na kapag tumagal-tagal ay a-underin mo lang dahil ang mga taong may birth date na 12 ay mahilig magtiis at magsakripisyo alang-alang sa kanyang minamahal.


Kaya kung mabait na asawa (kasi sa totoo lang ay hindi mabait ang isinilang noong February 19, 1981, sa halip ay nagbabait-baitan lang ‘yun) ang hahanapin mo, kahit hindi mo masyadong ka-compatible sa zodiac sign, pero ka-compatible mo pa rin naman siya sa destiny number mong 4 (8+16+1987=2011/ 20+11=31/ 3+1=4) at 7 (2+19+1984=2005/ 20+05=25/ 2+5=7) naman ang destiny number niya ay January 12, 1983=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7) ang dapat mong piliin upang makatiyak ng tahimik, pero hindi masaydong masaya, ngunit maraming pera at hitik sa materyal na bagay na pag-aasawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page