Dapat gawin ng bebot na atat magka-dyowa
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 23, 2022
Dear Maestro,
Matagal na ako rito sa Hong Kong, pero hanggang ngayon ay hirap pa rin akong makahanap ng lalaking magmamahal sa akin habambuhay. Ano’ng kulay ng damit ang dapat kong isuot upang suwertehin ako sa buhay, lalo na sa pag-ibig?
Malas ba ako sa pag-ibig o may posibilidad pa rin ba akong suwertehin na makapag-asawa at magkaroon ng masayang pamilya? Kung mayroon, kailan naman ito magaganap?
Sana, Maestro, sa pagbabakasyon ko sa ating bansa sa susunod na taon ay magkaroon na ako ng lalaking makakasama habambuhay. February 7, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Ashley ng Hong Kong
Dear Ashley,
Para makapag-asawa ka, ayon sa birth date mong 7 at sa destiny number na 8 (dahil ang February 7, 1929 ay kinokompyut ng ganito: 2+7+1979=1988/ 19+88=107/ 10+7=17/ 1+7=8) at sa zodiac sign na Aquarius, kailangang palagi kang magsuot ng kulay na pula sa kumbinasyong itim. Ang nasabing dalawang strong color na pinagsamang itim at pula ang mabilis na hihigop ng magarang pag-ibig at masayang pakikipagrelasyon sa isang sandali na hindi mo inaasahan.
Samantala, paminsan-minsan, kapag sawa ka na sa pagsusuot ng pula at itim, puwede ring pamalit ang green at yellow.
Habang ka-compatible naman ng zodiac sign mong Aquarius silang mga isinilang sa zodiac sign na Libra, Gemini, Leo at kapwa mo Aquarius. Gayundin, silang mga isinilang sa buwan ng Disyembre at Enero, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31. Samantala, dagdag sa mga taong ka-compatible mo ay kahit ano’ng zodiac sign, basta’t isinilang sa mga petsang 4, 13, 22, 31, 5, 14, 23, 8, 17 at 26.
Sa sandaling nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas at nagkataong nagkaroon ka ng kaibigan na isinilang sa nasabing mga zodiac sign at petsa, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2023 at pinakamatagal na sa Enero o Pebrero 2024 — sa edad mong 44 pataas, bigla kang magkaka-boyfriend, makakapag-asawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.




Comments