top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dapat gawin ng anak na gustong magkabalikan ang mga magulang na may strong at weak number

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 31, 2022



Dear Maestro,


Naghiwalay ang nanay at tatay ko, isang buwan na ang nakakaraan. Nag-away sila dahil sa pinansiyal na problema. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan?


Isinilang ang nanay ko noong July 8, 1982, habang ang tatay ko naman ay January 11, 1978 ang birthday.


Umaasa,

Maricar ng San Andres, Tanay, Rizal

Dear Maricar,


Ang tatay at nanay mo ay compatible sa tinatawag na ikatlong teorya o batas ng compatibility na sumasailalim sa prinsipyo ng magnetismo na nagsasabing, opposite poles attract each other. Sapakat ang zodiac sign na Cancer ng nanay mo na water type sign ay siyang katambal na lakas ng Capricorn na zodiac sign ng tatay mo na isa namang earth type sign.


Sa madaling salita, tugma ang tubig at lupa, sapagkat sa malalim na mysticism o pilosopiya, hindi magkakaanyo ang lupa kung walang tubig, habang wala ring hugis ang tubig kung walang lupa.


Samakatuwid, silang dalawa ang mahalagang produkto ng paglalang. Kaya anuman ang mangyari sa relasyong earth-water tulad ng Capricorn at Cancer na zodiac sign ng mga magulang mo, tiyak na sila ay muling mag-uugnay at magsasama sa panahong itinakda ng tadhana.


Ang nakakatuwa, halos ganundin ang prinsipyo ng weak number na 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) ng tatay mo, na hindi mabubuhay kung walang katugma o kasamang strong number na tinataglay naman ng nanay mo dahil sa kanyang birth date na 8.


Gayunman, kung hindi gagawa ng paraan ang strong number na 8 upang sila ay magsama, mananatili ang pagiging weak o mahina ng tatay mo, na may birth date na 11 o 2. Dahil dito, posible pa ring hindi maganap ang nakatakdang pagbabalikan nilang mag-asawa.


Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Maricar. Sa ibang salita, ang assignment n’yong mga anak ay kumbinsihin ang inyong ina na kausapin ang inyong ama nang sa gayun ay maglubag siya kung ang nanay n’yo ang nagkasala. Habang kung ang tatay n’yo naman ang nagkasala ay maglubag ang loob ng nanay n’yo kung siya ay kakausapin n’yong magkakapatid.


Sa ganu’ng paraan, ‘pag may intervention o pagsisikap ang mga anak upang pagkasunduin ang mag-asawang naghiwalay, posibleng muling mabuo ang inyong pamilya at muling magkakasama ang maligaya at kailanma’y hindi na muling maghihiwalay na pamilya, na nakatakdang maganap sa buwan ng Setyembre, habang unti-unting papalapit ang Kapaskuhan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page