top of page
Gary V. - IG.jpg

Dali, hinoldap ng riding-in tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
54 minutes ago
1 min read

ni Benjamin Chavez @News | September 11, 2026



Dali Everyday Grocery - FB

Photo: File / Circulated FB



Hinoldap ng riding-in-tandem ang isang sangay ng Dali Convenience Store sa Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna, alas-7:30 ng umaga.


Ayon sa San Pablo Component City Police Station, pumasok sa tindahan ang dalawang lalaking nakasuot ng helmet habang nag-aayos pa ng paninda ang mga empleyado.

Nang utusan silang tanggalin ang helmet, tinutukan umano nila ng baril ang mga empleyado at pinabuksan ang vault.


Tinangay ng mga suspek ang P1,850 bago tumakas sakay ng motorsiklo.

Nagsagawa na ng dragnet at hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page