top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dalawang sex organ, dahilan kaya takot makipagrelasyon kahit 29-anyos na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2022
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | January 04, 2022,



Dear Sister Isabel,


Mayroon akong gustong isangguni sa inyo at sa palagay ko ay puwede ko kayong pagkatiwalaan ng aking lihim kaya sa iyo ako lumiham.


Sa kasalukuyan, ako ay 29-anyos at inggit na inggit ako sa mga kaedad ko na masaya sa piling ng boyfriend o asawa nila. Takot kasi akong makipagrelasyon dahil kakaiba ang aking pagkatao kung saan dalawa ang sex organ ko. ‘Yung female organ ko ang mas nananaig sa akin, pero dumarating sa point na bigla akong nag-aastang lalaki.


Ang clitoris ko ay mahaba na parang organ ng lalaki kaya masasabi kong dalawa ang aking pagkatao. Dahil dito, natatakot akong magkagrelasyon dahil baka kapag natuklasan niya ang aking lihim, bigla niya akong iwanan.


Sister, sabik na akong magkaroon ng seryosong relasyon. May nagpaparamdam naman sa akin pero umiiwas ako. Paano ko mao-overcome ang lihim ng pagkatao ko, gayundin, paano ko matatagpuan ang lalaking iibig sa akin sa kabila ng aking kondisyon?


Sana ay mapayuhan n’yo ako para mapanatag ang loob ko. Hihintayin ko ang sagot ninyo.



Nagpapasalamat,


Dorothy ng Cavite


Sa iyo Dorothy,


Huwag kang masyadong mabahala. Sa aking palagay, makabubuting ituloy mo lang ang pakikipagrelasyon at i-enjoy mo ang pakikipagmabutihan sa lalaking nagkakagusto sa iyo dahil makakatagpo ka rin ng katapat mo na handang tanggapin kung ano at sino ka.


Sa taong nagmamahal, balewala ang mga kapintasan o anumang kapansanan na meron ang kanyang minamahal. Kung sakaling makatagpo ka ng magmamahal sa iyo, huwag kang matakot na ipagtapat sa kanya ang kondisyon mo dahil kung siya ang itinadhana sa iyo at mahal ka rin niya, matatanggap niya ang pagkatao mo at pakakasalan ka niya at liligaya kayo habambuhay.


Kung sa palagay mo ay hadlang sa iyo ang dalawang kasarian, makabubuting kumonsulta ka sa doktor at alamin kung puwedeng alisin ang male organ mo at ipatanggal mo na lang kung puwede para mapanatag ka at mamuhay bilang babae.


Hangad ko ang kaligayahan mo kung anuman ang maging pasya mo sa buhay. Anuman ang piliin mo sa dalawa, ang ipatanggal o hindi iyong male organ, nasa iyo na ‘yan. Ang natitiyak ko ay makakatagpo ka rin ng totoong magmamahal sa iyo kahit ganyan ang pagkatao mo. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban at huwag sikilin ang iyong nararamdaman. Nasa iyo ang ikasasaya ng buhay mo.



Sumasaiyo,


Sister Isabel Del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page