top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dalagang, may magandang career at maligayang lovelife sa edad na 30

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | April 2, 2023


Dear Maestro,


Ako ay matagal nang nakatapos ng kursong Psychology at ngayon ay 27-anyos na ako, pero wala pa rin akong stable job. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan ako magkakaroon ng matatag at magandang trabaho.


Sa larangan naman ng pag-ibig, hindi ako ligawin. Nagka-boyfriend naman na ako, pero matagal na ‘yun at ‘di na rin nasundan. Maestro, may pag-asa pa ba akong makapag-asawa? Madalas n’yong sabihin na ang mga taong isinilang sa petsang 15 ay tumatandang dalaga.


Kaya sana, mabigyan n’yo ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin para ‘di ako tumandang dalaga, may lahi pa naman kami ng mga ganu’n. June 15, 1995 ang birthday ko.

Umaasa,

Anne ng San Miguel, Magalang, Pampanga


Dear Anne,


Tama ka, sais (6) nga ang numero mo. Ang birth date mong 15 ay kinokompyut ng ganito: 1+5=6, sa destiny number na 9 (6+15+1995=2016/ 20+16=36/ 3+6=9) at zodiac sign na Gemini.


Ibig sabihin, sa panahong ito at sa edad mong 27 pataas, may positibo at bonggang magandang kapalarang magaganap sa iyong karanasan dahil ang edad mong 27, na may sumatotal ding 9 (ang 27 ay 2+7=9) ay siya ring destiny number mo. Ibig sabihin, sa iyong buhay, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit.


Ang mahalaga ay tandaan mo na kapag ang isang indibidwal na tulad mo ay Taong Sais (6) at pagkatapos ay nagkataon pang ang zodiac sign niya ay Gemini, ang dapat mong gawin ay huwag mo munang intindihin o problemahin ang pag-aasawa. Sa halip, ang gawin mo ay mag-concentrate ka sa iyong propesyon, at kung paano mo mapapaunlad ang iyong career.


Kapag maunlad na ang iyong career, kumbaga sa halaman ay maraming dahon at bunga ang aspetong career ng isang Gemini, makikita mo na kusa kang susuwertehin, hindi lang sa career kundi sa pag-ibig at halos lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Kaya kung tapos ka ng kursong Psychology at gusto mo naman ang kursong ‘yan, dapat kumuha ka ng board exam hinggil sa psychometrician, mag-masteral ka at pagkatapos ay mag-doctorate. Kapag nagawa mo ‘yan, nakapag-concentrate ka sa career o propesyon, mas malaking suwerte at kaligayahan ang aanihin mo habang ikaw ay nabubuhay.


Pagdating sa pag-ibig, tulad ng nasabi na, kailangang pilitin mong mag-excel sa iyong kurso o anumang propesyong nais mong maabot. Kapag narating mo ito, halimbawang nagkaroon ka ng regular na trabaho at natagpuan mo ang tunay na papel mo sa mundong ito, darating na rin ang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra na magpapatibok ng iyong puso hanggang sa tuluyan mo nang mapangasawa. Ito ay nakatakdang maganap sa taong 2025 at sa edad mong 30 pataas, kung saan sa panahon ding ito, matagumpay ka na sa career, at ang isa pang premyo ng langit ay maligayang-maligaya ka na rin sa love life at buhay pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page