top of page
Search
  • BULGAR

Dalagang ina na todo-asang babalikan ng bf, dapat magpokus sa anak at planong pag-aaral

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 7, 2021


Dear Maestro,

May textmate ako na naging boyfriend ko. Nagkita kami at nabuntis niya ako, kaya lang, bigla rin siyang nawala nang malaman niyang buntis ako. Gusto kong malaman kung babalik pa ba siya at ano na ang nangyari sa kanya ngayon?


Umuwi kasi siya sa kanilang probinsiya dahil may aayusin daw siya, pero hindi na siya bumalik at magka-kalahating taon na ang nakakaraan. Gayundin, ano ang course na bagay sa akin kung saan magtatagumapay at magiging maunlad ako? Pagkapanganak ko, balak kong magaral ulit. November 10, 1999 ang birthday ko.

Umaasa, Bella ng San Jose, La Loma, Quezon City


Dear Bella,

Kung balak mong mag-aral muli, huwag mo nang intindihin kung babalik pa o hindi ang tatay ng anak mo sa dahilang makagugulo lang siya sa iyong pag-aaral.


Sa halip, buong dedikasyon mong itutok ang iyong oras at panahon sa iyong anak at pag-aaral. Sa ganyang paraan, ‘pag hindi mo muna inintindi ang love life at pakikipagrelasyon sa mga lalaki, mas magtatagumpay at magiging maligaya ka.

Gayunman, kung sadyang atat na atat at talaga namang mahilig kang ma-in love, kung muli kang magbo-boyfriend, upang hindi ka na mabigo at iwanan pa ng lalaking iyong mamahalin, isaalang-alang mo ang mga lalaking ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio o silang mga isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces at Taurus, na may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29. Sa piling ng nasabing mga lalaki, isang tapat at panghabambuhay na pag-ibig na ang iyong mararansan.


Samantala, higit na bagay sa iyo ang course na nursing, psychology, teacher at accountancy. Sa nasabing mga kurso ka makakatapos ng kolehiyo at magkakaroon ng isang matagumpay na career at propesyon kahit sabihin pang may anak ka sa pagkadalaga, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2024 sa edad mong 25 pataas.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page