Dalagang ‘di gusto ng crush, todo-asang makakatuluyan
- BULGAR
- Jun 1, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 1, 2023

KATANUNGAN
Maestro, may gusto akong malaman tungkol sa pag-ibig. Kapag ba may minamahal ka at alam mong hindi ka niya mahal, dapat pa ba itong ipaglaban? Ibig kong sabihin, may pag-asa bang mahalin ka rin ng taong mahal mo kahit hindi ka niya mahal?
May crush kasi ako, mahal na mahal ko siya, pero pakiramdam ko ay ‘yung bestfriend ko ang gusto niya, pero hindi naman siya nito gusto at hindi rin siya pinapansin.
May pag-asa bang maging boyfriend ko siya kahit hindi naman niya ako gusto? Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend at siya ang gusto kong maging boyfriend na dinasal-dasal ko tuwing gabi bago ako matulog. Sa tingin n’yo, matutupad ba ang prayer kong ito at kailan ako magkaka-boyfriend?
KASAGUTAN
Kung hindi ka mahal ng isang tao at nagkataong babae ka, sa ating kultura, parang mali na ligawan mo siya. Pero kung nagkataong hindi ka mahal ng isang tao, pero ikaw ay lalaki, hindi ba’t natural na kaya mo siya nililigawan ay para mahalin ka niya?
Ganundin dapat sa mga babae, hindi kailangang maging double-standard ang pananaw ng lipunan. Tandaan na maraming bagay na puwedeng gawin ang lalaki na hindi naman puwedeng gawin ng babae. Halimbawa nito ang panliligaw kung saan lumalabas na parang hindi patas ang mundo o kultura na ating kinalakihan sa pagtingin sa babae at lalaki pagdating sa usapang ligawan.
Hindi mo naman dapat ligawan ang crush mo na walang pagtingin sa iyo, pero best friend o kaibigan mo ba siya? Magparamdam ka lang ay ayos at sapat na, ganun ‘yun! Kung hindi mo man tahasang maligawan ang isang lalaki, sapat nang maging kaibigan mo siya at magparamdam ka. Dahil sa sandaling compatible pala kayo, samantalang hindi niya naman ka-compatible ang kaibigan mong crush niya, maghihiwalay sila at sa iyo magkakagusto ang nasabing lalaki.
Ganundin ang nais sabihin ng maliit na sangang tumaas o sangang pataas mula sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, hindi ka mabibigo, basta’t panatiliin mo ang pagkakaibigan niyo kahit may iba siyang gustong babae o may iba siyang nililigawan. Ito ay dahil magkakagusto rin siya sa iyo dahil ang nakatakda sa iyong palad ay palaging suwerte pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Sophia, wala kang dapat gawin ngayon kundi kaibiganin ang nasabing lalaki. Kapag malapit na siya sa iyo, dahil compatible kayo at ipinanganak kang likas na suwerte sa pag-ibig, kusang matutupad ang dalangin mo kay Lord — magkakagusto rin sa iyo. Gayundin, liligawan ka niya hanggang makabuo kayo ng maligaya at nakakakilig na relasyon, na nakatakdang maganap sa taong ito ng 2023, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, sa edad mong 23 pataas.







Comments